Nadamay ang biscuit! Robredo slams Uson anew: Mapait ang mocha ‘pag sinungaling!

OWWA Deputy Exec Director Mocha Uson at Vice President Leni Robredo / Larawan mula sa UNTV at Abogado




May panibagong banat si Vice President Leni Robredo kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Mocha Uson dahil sa umano’y pagkakalat nito ng fake news tungkol sa kanyang relief operations para sa mga evacuees ng Taal.

Sa kanyang radio show tuwing Linggo, sinabi ni Robredo na sana ay hindi siya namigay ng mocha-flavored na biscuit sa mga evacuation centers.



Aniya, masarap naman ang biscuit na may flavor na mocha, sa katunayan, gusto din ito ng kanyang mga anak noong mga bata pa.

“Ano naman, hindi naman lahat ng mocha hindi masarap,” natatawang sambit ni Robredo

Nang sabihin ng kanyang radio partner na si Ka Ely na may kapaitan ang mga pagkaing may flavor na mocha;



“Ang nakakapait kasi, Ka Ely, iyong kasinungalingan, eh.” Ang sagot naman ng Bise Presidente.

Kamakailan lang ay sinabihan ni Mocha si Robredo na mas gumagastos umano ito ng mas Malaki para sa media coverage ngunit "limang piraso ng pandesal at isang bote ng tubig" lang ang ipinamigay sa mga evacuues.

Sa kanyang blog, inakusahan ni Mocha si Robredo na ginagami ang pondo para sa bodyguards samantala ang donasyon sa mga nasalatan ay “halagang P30 lang na relief goods.”

“Why are we allowing a purveyor of fake news to be employed by the government?” ang naunang tugon naman ni Robredo sa akusasyon.


Post a Comment

0 Comments