President Rodrigo Duterte/photo courtesy of PNA |
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga
gabinete na huwag pumasok sa mga proyektong lalampas sa dalawang taon.
Nais ng ating Pangulo na walang maiiwanang mga proyekto ng
gobyerno bago matapos ang kanyang termino sa taong 2022.
Dagdag pa ng Pangulo na gusto niyang calibrated lahat ang mga
proyekto ng gobyerno para pag-alis nito upang malinis lahat at walang iiwanang
pamana sa susunod na administrasyon.
Nais niyang matulad noong nanunungkulan pa sya bilang alkalde
ng Davao City, kung saan natapos lahat ang kanyang proyekto bago pa man sya
umalis ng opisina.
“Sabi
ko sa lahat ng secretary ng mga departamento, ‘do not go into projects which
you cannot finish within the two-year time left for me in office’,” ani ng
Pangulo.sa kanyang pagbisita sa Pigcawayan, Cotabato noong Biyernes.
Naging batayan ng ating chief executive sa kanyang direktiba ang
mga naiwanang proyektong pang-agrikultura ng nakaraang na administrasyon sa
Cotabato kung saan nakatiwangwang ang mga biniling mga kagamitan at hindi na napakinabangan
ng mga magsasaka.
Ayon sa report kinakalawang ang mga biniling traktora at iba
pang kagamitan sa Cotabato dahil hindi na ito napakinabangan ng mga magsasaka
at kung nagamit man ay panandalian lamang dahil nasira agad ang mga ito.
Kaya naman dahil dito, nagbabala ang Pangulong Duterte sa mga
opisyal ng gobyerno na huwang pumasok sa korapsiyon dahil agad na sisipain ang
mga ito sa puwesto.
“We
have wasted…why? Kasi pag may programa ka, di may follow up. Sa panahon ko
marami na akong mga director na …and I’m warning everybody in government, do
not go into corruption. I will not give you the time of the day. You have to
pack up and go,” dagdag ng Pangulo.
Agad inatasan ng Pangulo si Agriculture Secretary William Dar
na bumili ng mga farm machinery na kailangan ng mga magsasaka sa Cotabato para
matulungan ang mga ito sa kanilang paghahanap-buhay.
Kaugnay nito, niribisa na rin kamakailan ang programang Buil.
Build, Build ng administrasyon kung saan ay tinanggal na ang ilang mga proyekto
dahil sa feasibility issue nito.
Matatandaang noong nakaraang Nobyembre ay pinuna ni Senador
Frankilin Drilon na bigo ang Build Build Build program ng pamahalaan matapos mapag-alaman
na siyam pa lamang sa mga flagship programs nito ang nasisimulan.
0 Comments