Kuha mula sa Facebook post ni Alvin Perez Lavisores |
Simula nang napabalita ang pagsabog ng
Bulkang Taal marami na sa ating mga kababayan ang naghatid ng kanilang mga
tulong para sa mga taong nasalanta.
Kamakailan lang napabalita na may namimigay
ng libreng face mask, at ngayon naman libreng kape ang ipinamimigay ng
isang lalaki na ito para sa mga taong na biktima ng pagsabog ng bulkan.
Nakakatuwang isipin na kahit hindi natin
kakilala ay may mga taong nagbibigay pa rin ng kanilang mga tulong para sa
ating mga kababayan. Gaya na lamang ng isang simpleng lalaki na namimigay ng
libreng kape para sa mga taong nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Mabilis na kumalat sa social media ang
larawan na kuha ng isang netizen na nagngangalang Alvin Perez Lavisores. Makikita
sa larawan na nakasuot lamang ng short, naka jacket at naka sombrero lamang ang
lalaki na may dalang mga termos na namimigay ng libreng kape.
Agad namang nag viral ito at umabot na sa
7.8k shares, 266 comments at 9.1k reactions mula sa mga netizens. Iilan sa mga
netizens ang nagbigay ng kani-kanilang komento para sa lalaki.
“God
bless po sa may mga mabubuting puso na gusto makatulong.”
“Thank
you kuya sa libreng pakape, napakabuti mo. GOD BLESS YOU.”
“Nakakaantig
ng puso na kahit maliit na bagay gagawa ng paraan para makatulong.”
“A
simple act of kindness that can make a big impact on a person’s life.”
“Helping
others in a simple way. Good Job kuya! God bless you more.”
“This
is heart-warming. God bless you kuya.”
Tunay na mabubuti talaga ang mga Filipino,
dahil sa pagiging matulungin at mapagbigay sa kapwa. Maaaring maliit na bagay
lamang ito para sa iba pero sa mata ng Diyos ito ay napakalaki.
Kaya naman
napahanga talaga ng lalaking ito ang mga netizens dahil sa kanyang butihing
ginawa para sa mga kababayan nating nasalanta ng pagsabog ng Taal.
0 Comments