Suportado ng US! Sara Duterte joins US-funded leadership program



Davao City Mayor Sara Duterte / photo from Google (ctto)


Kahit ang United States ay bilib sa potensyal na matagumpay na pamumuno ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang babaeng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ay na napili bilang isa sa mga politikong Pilipino na makikilahok sa International Visitor Leadership Program (IVLP) na pinondohan ng Kagawaran ng United States.



Ang Deputy Deputy of Mission na si John Law ay nagbahagi ng litrato ni Duterte sa iba pang mga kalahok ng IVLP sa isang tweet na nai-post noong Biyernes (Enero 10),kung saan naka -tag ang US State Department Bureau of Counterterrorism (@StateDeptCT).

“Privileged to welcome to Embassy @StateIVLP participants: @davaocitygov Mayor @indaysara, Task Force Davao Commander Consolito Yecla, @zambocitygovt Mayor @Beng_Climaco, and Chief of Staff Mike Saavedra. #USPHExchanges #FriendsPartnersAllies @StateDeptCT,” ayon sa Tweet ni Law.



Ayon sa ulat ng Politiko, wala pa umanong available na detalye tungkol sa nasabing programa.

Ang IVLP ay karaniwan tumatagal ng isang buwan, kaya inaasahan din na gugugol ang mayor ng Davao City ng ganoon katagal sa Amerika.

Ayon sa website ng US State Department, ang mga kalahok ng IVLP ay hinirang at pinipili taun-taon ng mga kawani sa US Embassies sa buong mundo.

Ang batang Duterte ay kasalukuyang Mayor ng Davao City, na isa ring tinuturing na malakas na contender para sa pagka pangulo sa 2022 elections.



Post a Comment

0 Comments