Larawan mula sa Abante |
Pinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Martes na ang
pagpuna ni Vice President Leni Robredo sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte
ay hindi patas, lalo na sa mga uniformed men na nasa frontline.
"Unfair naman 'yun sa enforcement unit who are putting
their lives on the line confronting this ready-to-kill individual," ayon
kay yorme Isko.
"Nilalagay nila sarili nila sa alanganin then you'll
hear these type of statements. Alanganin lang, hindi lang ako
kumportable," dagdag niya
Lunes nang sinabi ni Robredo na ang 3-taong anti-narcotics
drive ng administrasyon ay isang pagkabigo, dahil mas mababa pa sa 1 porsiyento
umano ang nakukumpiska ng mga law enforcers sa buong bansa.
Noong November ay kinuha ni Pangulong Rodrigo Duterte si
Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD),
kung saan ay siya ay napatalsik din sa pwesto makalipas ang 18 araw.
Ipinagtanggol din ni Moreno si Duterte sa pamamagitan ng
pagsasabi na siya lamang ang punong executive executive na talagang humarap sa
problema sa droga at sumunod pa sa mga sindikato ng droga.
"We have to give an 'A' for the effort kasi hindi 'yan
biro. Ang lalim ng droga, noong panahon pa ng dekada '80 lumala 'yan,"
ayon kay Isko
Ani Moreno, 164 sa 896 na mga barangay ng Maynila ang
idineklarang drug-free ng mga awtoridad mula nang siya ay mangasiwaan.
"Ni ultimo ga-kulangot na droga walang itinitinda d'yan
sa barangay. Panatag, especially may implementation pa nung other peace and
order law nahihirapan, sumisikip ang mundo nitong mga illegal or bad elements
in the society," ayon pa sa Mayor ng Maynila
0 Comments