Ang food market umano sa China kung saan ang
nakakamatay na corona virus ay unang nagmula ay isang smorgasbord ng kakaibang
mga wildlife delicacies katulad ng wolf pups o mga batang lobo na uwi ng hayop
na naugnay sa nakaraang pandemics katulad ng civets, o isang uri ng wild cat,
ito ay ayon sa ulat ng the Star website.
Ang impormasyong ito ay nagmula din umano sa mga
vendor at sa naiulat ng isang media sa Tsina.
Ang Huanan Seafood Market sa gitnang lungsod ng Wuhan
ay sumailalim sa mas malaking pagsisiyasat noong Miyerkules (Jan 22) matapos ianunsyo
ng mga awtoridad ng Tsina na ang virus na pumatay na ng ilang katao at patuloy
na kumakalat ay nagmula umano sa wild animal na ibinebenta sa mga kainan.
Ang malubhang nakaraang epiidemyang severe acute
respiratory syndrome (Sars) ay may kaugnayan umano sa pagkonsumo ng mga Intsik
ng karne ng civet. Kinakitaan naman ng posibleng pagpapabaya ang mga awtoridad
sa Tsina sa trafficking ng mga ilegal na karne ng hayop na maaring dahilan ng
pagkalat ng virus.
"Freshly slaughtered, frozen and delivered to
your door,” Ayon sa isang price list vendor ng "Wild Game Animal Husbandry
for the Masses".
Ayon kay Dr Gao Fu, direktor ng Chinese center para sa
pagkontrol at pag iwas sa mga sakit, ang mga awtoridad ay naniniwala na ang Corona
virus ay nagmula sa "mga ligaw na hayop sa pamilihan ng seafood"
kahit na ang eksaktong mapagkukunan ay nananatiling hindi pa tukoy.
Ipinagbabawal ng Tsina ang pagbebenta ng ilang klase ng mga ligaw na hayop, ngunit ang ilan
naman ay pinapahintulutan sa pamamagitan ng espesyal na lisensya kung
commercially farmed.
Ayon naman sa international news agency o AFP, hindi verified
kung totoo nga ang listahan ng presyo. Hindi rin umano sinasagot ng nagbebenta
ang anumang tawag or mensahe sa mga social media.
Sinabi din umano sa ulat ng Beijing News nitong Martes
na patuloy ang bentahan ng mga karne ng wild animals sa nasabing palengke,
hanggang ito ay ipinasara ng mga awtoridad.
Ang mga naitalang unang nakitaan ng Corona virus na
ngayon ay tinatawag na 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV) ay nagmula umano sa
nasabing pamilihan.
Marami pa rin umano sa mga Tsino ang kumakain ng kakaibang
uri ng hayop na itinuturing pang delicacy o masarap na pagkain katulad na lang
ng civet o ilang mga uri ng daga o paniki – dahil ang mga ito ay nagbibigay daw
ng benepisyong pang kalusugan na hindi pa napapatunayan ng siyensya.
0 Comments