Karamihan
sa ating mga Filipino pinipiling magtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng
magandang buhay ang pamilya. Ngunit sa sinapit ni Jeanelyn Villavende, hindi naging
maganda ang pakikipag sapalaran nito sa Kuwait.
Buhay
nang umalis sa Pilipinas si Jeanelyn Villavende pero umuwi nang nakasilid na
lamang sa isang kahon, yan ang kalunos-lunos na nangyari sa isang pinay na
Domestic Helper sa Kuwait.
Kamakailan
lang inilabas ang autopsy report ni Jeanelyn Villavende na ginawa mismo ng
Kuwait. Ayon sa autopsy report “Acute failure of the heart and respiration as
result by shock and multiple injuries [to] vascular nervous system, the
amendment document due to death”.
Ngunit
ayon kay Secretary Silvestre Bello III hindi raw maliwanag ang dahilan ng
pagkamatay ni Jeanelyn Villavende kaya sumulat ito sa National Bureau of
Investigation (NBI) upang magsagawa ng sariling autopsy. Ginawa ito mismo sa
Bayan ni Jeanelyn Villavende,
“and I
found out na yung autopsy report ng Kuwaiti government ay palpak, sinungaling
palpak at walang kuwenta,” ayon kay Bello.
Palpak,
sinungaling at walang kuwenta inilarawan ni Labor Secretary Silvestre Bello ang
ipinadalang autopsy report sa labi ng pinaslang na OFW ng Kuwait.
Saad
pa ni Secreatry Bello “Matindi ang ginawa
nila sa ating kababayan, talagang inabuso ang katawan at pinahirapan”.
Iminu-mungkahi
ni Secretary Bello sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na
magkaroon ng “Total Deployment Ban” sa Kuwait.
“Wala na tayong ipapadala doon. Mga walang kuwenta yang
mga Kuwaiti na yan. Biro mo yung ginawa nila sa ating kababayan, pag ikuwento
ko sa inyo baka pati kayo magwewelga na. Masyado nilang inapi an gating
kababayan, “ aniya.
0 Comments