32km Manila Bay bridge from Cavite to Bataan approved by NEDA under Build, Build, Build!

Photo file mula sa autoindustriya website




Maaari nang maging possible na mapabilis ang travel time mula Cavite patungong Bataan sa pamamagitan ng bagong proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build.

Ang 32-kilometrong tulay na proyekto na tinawag na Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) ay kasalukuyan nang pinag aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).



Ang nasabing Php187 bilyong proyekto na ito ay aprubado na din umano ng National Economic Development Authority (NEDA) Board. Kasabay nito, kinumpirma din ng NEDA na approve na din sa Investment Coordination Committee (ICC) ang mega bridge na ito.

Kapag opisyal na nagsisimula ang konstruksyon, isasama dito ang pag buo ng viaducts (lupa at dagat), pati na rin ang dalawang mahabang tulay.

Magsisimula ang tulay na ito sa Naic, Cavite, dadaan sa Corregidor Island at magtatapos sa Mariveles, Bataan.



Ang tulay ay magkakaroon din ng kabuuang apat na lanes, dalawang linya sa bawat direksyon, isang toll plaza, special facilities at isang espesyal na tulay na malapit sa baybayin ng Cavite.

Kung mabubuksan ang nasabing tulay sa hinaharap ay laking ginawa na dahil mula sa 6 o 5 oras na byahe ay maaring maging 3 o 4 na oras na lang.

Sa pamamagitan din nito ay mababawasan ang siksikang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil ang mga motorista ay maaari nang direktang maglakbay sa pagitan ng Central Luzon at Southern Tagalog.

Wala pang eksaktong timeline kung kailan magsisimula ang konstruksyon mula nang ito ay pag-aralan, at kamakailan lamang na naaprubahan ng NEDA.


Post a Comment

0 Comments