De Lima nangolekta umano sa mga Chinese drug lord pang eleksyon – Peter Co





Humarap na sa korte ang Chinese drug lord na si Peter Co kaugnay sa kaso ng illegal drugs laban kay senadora Leila De Lima.

Ayon sa pahayag ni Co sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205, lumapit umano sa kanya ang noon ay justice secretary na si De Lima para mangalap ng pondo para sa kanyang kanditura bilang senador.



Si De lima na nakilala umano ni Co sa pamamagitan ng kapwa druglord na sina Jaybee Sebastian at Hans Tan ay humingi daw ng sampung milyon.

Ayon pa kay Peter Co, may isa pa siyang kakosa na nagbigay umano ng total na P10 milyon din ngunit hindi na ito maaaring tumestigo dahil napaslang ito sa isang riot noong 2016.

“Unfortunately [Tony] is dead and we have no way of verifying or counterchecking those facts,” ayon sa defense lawyer na si Filibon Tacardon.



Sinabi din ni Peter na naka-kulong na siya sa New Bilibid Prison noong lumapit si De Lima sa kanya para sa pera.

Pahayag  ni Peter, nagbigay din umano sina Sebastian at Tan ng pera sa dating justice secretary kapalit ng cellphone, motorsiklo at air-condition sa kanilang mga quarters.

Sinabi ni Peter na may mga hindi pa napapangalanang Chinese drug personality na tumulong din kay De lima noon.

“I cannot disclose their names because they are also Chinese nationals,” ani Peter.

“Not only would I be in danger but also my family in China. They are not ordinary people, they have some influence.” Dagdag pa nito



Post a Comment

0 Comments