Larawan mula sa Facebook |
Naranasan mo na ang magkaroon ng ‘lutang moments’ na kadalasang nangyayari dahil sobra ka nang stress, hilo, pagod, at minsan naman ay dahill sa matiding gutom?
Viral ngayon sa social media ang kwetong binahagi ng isang netizen na nakalimutang isauli ang kanyang ginamit na helmet sa Angkas rider na kanyang nasakyan.
Kinuwento ni John Ramos Eisma sa kanyag post ang naging karanasan niya dahil sa hilo kung saan ay nakalimutan niyang ibalik ang suot na helmet.
Aniya nag book siya ng Angkas mula Malate papuntang Makati matapos makaramdam ng hilo. Pinili na din umano niya ang mag Angkas dahil mas mura ito.
Salaysay ni John, habang naglalakad papuntang tulay, naramdaman umano niya na tila mabigat ang kanyang ulo.
Napansin din niya na parang madaming tao na ang nakatingin sa kanya habang naglalakad.
“Akala ko nahihilo lang ako kaya ang bigat ng ulo ko. Ayun pala nakalimutan kong suot ko pa ‘yung helmet ng Angkas,” ayon kay John.
Saka lang daw niya naalala na suot pa niya ang helmet mula sa Angkas nang may lalaking pumansin at nagsabing tila may nakalimutan siya.
Sa dami nang netizens na natuwa sa kwentong ito, agad na nagviral ang post ni John at kasalukuyan nang umabot ng 23k na shares.
Hindi naman mapigilan ng iba ang magbahagi din ng kanilang parehong karanasan na tunay ngang nakakaaliw. Ang ilan naman ay sobrang tawang tawa sa kwento na ito ni John.
“Nangyari din sakin 'to. HAHA Buti nalang tinawag uli ako ng driver bago lumayo”
“kawawa nman ung rider. ang mahal p nman ng kaltas ng helmet hehe.”
“Relate parang ako habal2 namn papunta s amin galing sm Bicutan .pag dating s bahy drtso lang ako pasok sa gate tapos pasok s bahay prang wala LNG tapos yung driver sigaw ng sigaw pala”
“Nag kakataon talagang nawawala sa isip mo na may helmet ka palang suot.lalo na nagmamadali ka diba.di naman kailangan pag tawanan o sabihan ng tanga.nangyayari po talaga yan.thats life ika nga.maganda niyan balik mo na lang kasi kawawa naman yung rider nakatulong ka pa.”
“Si rider kanina pa siguro pinapauwi ng Asawa Kaya lutang din Hindi na nagawang tawagan ka boss Kasi nag madali na umuwi pinagalitan at na Palo sa pwit”
“Hahahaha happened to me, pero naibalik ko agad. Di pa naman ako nakakalayo.”
0 Comments