Mga larawan ng liham at drawing mula sa FB bilang pasasalamat ng 4 na Chinese sa magandang pag trato ng mga Pilipino sa kanila habang nasa Romblon. |
Dahil sa hospitality ng mga Filipino ay labis na nagpasalamat ang apat na bisitang Chinese na dumating noong Enero sa Pilipinas para mag bakasyon.
At sa pamamagitan ng isang liham,sila ay nagpasalamat at humingi sila paumanhin matapos masailalim sa quarantine sa Romblon dahil sa banta ng ng 2019 nCoV na nagmula sa bansang China.
Higit silang nagpasalamat sa magandang pagtrato sa kanila na mga Pilipino na kanilang nakasalamuha at sa may ari din ng beach na kanilang tinuluyan na bumibyahe pa ng malayo para hatiran sila ng pagkain habang nasa ospital.
Bago umalis ng Romblon ay nag iwan ang mga ito ng liham para pasalamatan ang mga tumulong at nagbigay ng pagkain sa kanila habang sila ay naka quarantine.
“First of all, please allow be say sorry to all of you for bringing you so much trouble and panic. It’s out fault to travel at this special occasion, just during the period of disease. Please forgive us.” The letter says
“I must sincerely apologize to the family and owner of footprint beach. We’ve just caused too much panic and worries to your beautiful wife and your lovely kids. You are really a nice man.” It added*
Isa sa drawings na iniwan ng 4 na bisitang Chinese bilang pasasalamat sa mga tumulong sa kanila / larawan mula sa FB |
Ang liham na ito ay binahagi ni Daphne Faith Gabaldon sa kanyang post sa Facebook noong February 4.
“Isang taos pusong pasasalamat mula sa ating mga bisita at humihingi po sila ng paumanhin. We will continue to pray for you and for everyone,” ayon sa FB post ni Daphne.
Isinulat umano ni Wen Cong ang liham na ito para sa kaniya, sa kaniyang girlfriend na si Shangfei, at sa kaniyang mga magulang na sina Huang Chaoyung at Wen Lishan.
Samantala, ayon sa ulat ng GMA News Balimtambayan noong February 5, dumating ang apat na Chinese sa Pilipinas noong January 27.
Pumunta ang mga ito sa Romblon para mag bakasyon kung saan nagpatupad naman ng quarantine para sa mga bisitang nagmula sa China, kung saan din nanggaling ang sakit.
“We four have never dreamed of been treated so kindly. When we were isolated, foods, drinks, meals, clothes and other daily goods, even for wifi server. Your are so nice and friendly. Just took us as your own.” Ayon pa sa liham
February 4 umano ay nakabiyahe na papuntang Maynila ang apat na Chinese para ipagpatuloy ang natitira nilang limang araw na self-quarantine.
Ayon din sa ulat, maayos ang kalusugan ng mga ito at hindi kinakitaan ng anumang sintomas ng sakit.
0 Comments