Trillanes: Si Marcos ang pumatay kay Ninoy!



Dating Senador Antonio Trillanes IV 


Itinuro ni dating senador Antonio Trillanes na si dating pangulong Ferdinand Marcos ang nagpapatay kay kay Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Sa kanyang Trx Vlog, pinaliwanag ni Trillanes kung bakit si Marcos ang “tunay na mastermind” sa asasinasyon kay Ninoy noong Agosto 21, 1983.



Ayon kay Trillanes, sumunod lang umano ang mga sundalo noon sa “chain of command” mg mga mas nakakataas sa kanila.

“Itong sila General Ver, at kung sinu-sinong mga PMA generals na involved sa operations, knowing the AFP culture, hindi ‘yan sila susunod kay Imelda, kay Danding Cojuangco, or anybody outside the chain of command. Lalong-lalo na, na very sensitive covert operations ito,” ani Trillanes

“Si Marcos lamang bilang Commander-in-Chief ang nag-utos nito.” Dagdag pa ng dating senador na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte



“Kung si Galman naman ang gumawa ng pagpatay kay Ninoy, isipin natin, papano niya nakuha yung impormasyon kung anong eroplano darating si Ninoy Aquino? Papano niya nalaman na sa hagdan lang dadaan si Ninoy at hindi sa tube kaya naabangan niya ito nung bumaba? And besides, papatay siya ng isang VIP na may security escorts na revolver lang ang hawak niya?,”

 “Imposibleng si Galman ang pumatay kay Ninoy; maliwanag na this is a well-planned and well-executed joint military operation. GInawa nang fall guy si Galman, pinatay pa ng mga sundalo.” Ayon pa kay Trillanes

Dinahilan din ni Trillanes ang naging reaksyon ng mga bodyguard ni Ninoy noon na kasabwat pa sa insidente.

“Imbes na poproteksyunan nila yung VIP na ineeskortan nila ay sila pa ay lumayo kay Ninoy. To compare yung assassination attempt kay US President Ronald Reagan, yung US Secret Service, talagang they took a bullet for President Reagan,” sabi ni Trillanes. “Instead na hanapin niya (Marcos) at parusahan yung mastermind niyan, ang ginawa pa nila ay iba’t ibang paraan para i-whitewash o pagtakpan ‘yung katotohanan.” Aniya



Post a Comment

1 Comments

  1. Dapat pala, pabuksan ng mga Marcos at Aquino ang kaso at itong si Trillanes ang gawing star witness. Marami palang alam 'tong mokong na 'to eh.

    ReplyDelete