|
Base sa balita, isang medical evacuation ang eroplano upang maghatid ng pasyente papuntang Haneda, Japan.
Nasawi lahat ang walong sakay ng eroplano kabilang ang isang flight medic, nurse, doktor, tatlong flight crew, isang pasyente at kasama nito
kinumpirma na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naging sanhi ng pagliyab ng Lionair plane na nag-crash, Linggo ng gabi
Ayon sa CAAP, technical problem ang nakita nilang dahilan ng aksidente. Base sa kanilang statement, humahanap na ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng karagdagang impormasyon ukol dito.
Technical problem ang nakita dahilan ng aksidente, batay sa isang ulat ng CAAP sa panayam ng GMA News.
"The medical evacuation flight, bound for Tokyo/Haneda in Japan reportedly encountered a technical problem while rolling for takeoff on Runway 06," ayon sa statement ng CAAP.
Dagdag pa ng CAAP patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon upang makahanap pa ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng karagdagang impormasyon ukol rito.
Ang Lionair, Inc. ay katuwang ng Department of Health (DOH) sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan natin parte ng Visayas at Mindanao.
Ang Lion Air Inc. din ay naghahatid ng mga medical supplies sa mga ospital sa nasabing mga rehiyon.
Sa katunayan, ilang oras lamang bago maganap ang aksidente, katatapos lang ng mga piloto at ibang pang crew nito na maghatid ng medical supplies at iba pang mga ;pangangailangan sa Zamboanga, Mactan, Iloilo at Butuan.
Base naman sa balita ng DZBB, muling binuksan na ang Runway 06/24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong 5:04 ng umaga, Lunes.
0 Comments