TV Director Jay Altarejos and Ms. Lea Salonga / photos from Facebook and Manila Bulletin |
Dahil sa community quarantine na pinapatupad ngayon sa bansa upang hindi kumalat ang COVID-19, ilan sa mga personalidad sa showbiz ang nagbigay din ng kani-kanilang opinyon tungkol dito.
At kung may sumusuporta, mayroon di namang bumabatikos dahil nakakaabala umano ito sa biyahe at pagpasok ng mga tao sa kanilang mga trabaho.
Noong March 15, ibinahagi ng ilang celebrities na tulad nina Lea Salonga at Maritoni Fernandez ang isang post mula kay James Deakin, isang kilalang automotive journalist.
Ang mensahe na ito ni Deakin ay tugon sa mga nagrereklamo sa mga hakbang na pinapatupad ng gobyerno.
“To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.” ayon sa kanyang post
Samantala, ayon sa isang post ng PEP Ph, nag react dito ang direktor na si Jay Altarejos, kung saan kanyang binahagi ang screenshot ng post ni Lea at nagpasaring na tila hindi alam ng dating Ms. Saigon ang "kalagayan ng buhay" ng "mga maralita."
“Sabagay kung ang exposure mo nga naman sa kalagayan ng buhay ay MS SAIGON...
“Tangama, yung mga maralita ba may Netflix, may mga hi-nord na pagkain?
“Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.” ayon sa mensahe ng direktor
Si Jay ay isang film and television director at karamihan sa mga pelikula nito ay patungkol sa homosexuality—kabilang ang Ang Lalake Sa Parola, Ang Lihim Ni Antonio, Ang Laro Sa Buhay ni Juan, Unfriend, at Kasal.
Siya din ang naging direktor ng mga teleserye na tulad ng Posh, My Lover My Wife, Blusang Itim, Kung Aagawin Mo Ang Langit, at Legacy.
0 Comments