QC Mayor Joy Belmonte / file photo from Rappler |
Bumuwelta kaagad si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga kritisismo
na binabato sa kanya dahil diumano’y mabagal na pagkilos sa gitna ng Luzon na
pinalawak na community lockdown para ma-contain ang COVID-19.
Sa isang Facebook post ngayong araw March 20, 2020, naglabas
ng saloobin si Belmonte sa kanyang mga bashers sa social media.
“To those who hate me, you are under no obligation to accept
any of my projects - housing, education, healthcare, social benefits. That
means there will be more for those who truly have faith in me as their
leader. “ aniya
“But please just show your hatred for me at the polls
in 2022 because the people who want to be served and patiently wait for it
don’t deserve for their lives and that of their families to be politicized.” Dagdag
pa ng alkalde
Iginiit niya na ang local government ng QC ay hindi mabagal
sa pagkilos upang mabigyan ng tulong ang mga residente na apektado ng lockdown.
Sinabi din niya sa kanyang post na nakapag pag-repack ng 400,000 pack ng
pagkain ang mga staff ng City Hall na ipamamahagi sa bawat pamilya sa 142 na
mga barangay ng Lungsod.
“We are slow? I think perhaps the suppliers were overwhelmed
by the volume we were ordering and could not comply immediately even if we
placed our order the day after the President announced an Enhanced Community
Quarantine,” ani Belmonte
“To the few who still believe in me, I told you I would
never let you down and I won’t. I will fight for you, until together we
vanquish this virus. Just as you fought for me when all the people who don’t
understand how I work and think abandoned and denigrated me.” Ayon pa sa
mensahe ng alkade
0 Comments