Timbog! 9 habal-habal driver arestado dahil sa P700 na singil


Photo courtesy of RMN  



Sa panahon ng krisis na kinakaharap Ng ating bansa at ng buong mundo, nakukuha pa ng iba nating mga kababayan ang magsamantala imbes na makatulong sana.

Kamakailan, naaresto ang siyam na driver ng habal-habal na umano’y naniningil ng P500 hanggang P700 sa mga pasaherong naistranded.



Bukod sa mataas na paniningil ay napag-alamang kolorum rin ang mga drivers at lumabag sa batas na bawal ang anumang uri ng pampublikong transportasyon sa Quezon City.

Sa tulong nang pinagsanib na operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit (DTEU) at District Special Operation Unit (DSOU) ay agad hinuli ang mga kolorum na drivers ng habal-habal.
Kinilala ang mga ito na sina Cmar Eman, John David, Angelyn Castro, Marcelino Manata, Aries Traquina, Jeffrey Mica, Antonio Lagada, Hernan Reyes at Bryan Tindagan.
Sa panayam kay P/Lt. Ronquillo Maaño ng DTEU, kanilang isinagawa ang operasyon dahil na rin sa report sa kanilang tanggapan na ang mga motorsiklo ay ginagawang habal-habal kahit wala itong kaukulang papeles.



Napag-alaman din na ang mga habal-habal na ito ay bumabyahe mula Litex hanggang sa lalawigan ng Rizal at ang sinisingil sa kanilang mga pasahero ay umaabot sa P500 hanggang P700.

Mariin namang tinanggi ng mga nahuli drivers ang nasabing singil sa pasahe, bagkus ay nangatuwiran pang kaya lamang sila napilitang bumiyahe ay upang may makain ang kanilang pamilya at hindi sila nanamantala ng mga pasahero.


Ang mga naaresto ay dinala sa opisina ng District Special Operation Unit (DSOU). At hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga kolorum na drivers.



Post a Comment

0 Comments