Photo courtesy of Facebook @Criselda Acosta Dulay |
Labis na paghihinagpis ang nararamdaman ng mga kaanak ng 23 anyos na si Critito M. Acosta mula La Union, dahil sa biglang paglaho nito habang sakay ng barko.
Sa Facebook post ng kapatid ni Cristito, nanawagan ang nanay at tatay ng batang marino, umiiyak at nagmamakaawa na tulungan sila sa pagkawala ng kanilang pinakakamamahal na bunso.
Ayon sa Facebook post ni Criselda Acosta Dulay, kapatid ni Cristito, April 23 pa nang mawala ang binata na isang 3rd Officer Junior ng Teekay at sakay ng barkong Jiaolong Spirit, mula Texas at patungo ng South Africa.
Nalaman lang nila ang balita ng nagsadya sa kanilang bahay sa La Union ang presidente ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Cristito.
Salaysay ni Criselda, huli raw itong nakita nang magpa-relieve diumano ang isa sa mga kasamahan nito bandang 6:00 hanggang 6:45 ng gabi upang mag dinner break.
Subalit matapos nito ay hindi na umano nakita pa ang binata na nakatakdang duty nito na dapat ay 8:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.
Dahil dito ay naalarma na raw ang mga kasamahan ng binata at agad na ipinahanap si Cristito sa lahat ng dako ng kanilang barko.
Ngunit matapos ang tatlong araw na paghahanap ay itinigil na din daw ang paghahanap dito at kailangan nang ituloy ang byahe ng barko.
Ayon pa kay Criselda, sa May 16 pa nakatakdang mag-imbestiga ang mga awtoridad kapag nakadaong na ang kanilang barko.
Kaya naman dagdag pasakit ito sa pamilya ni Cristito dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pang balita ukol sa binata.
Sobrang pag-aalala na rin daw ang nararamdaman ng kanilang mga magulang lalo na ang kanilang ina.
Dahil dito mabilis na kumalat ang kanilang panawagan upang humingi ng tulong sa kung man ang nais magbigay ng tulong sa kanila.
Dagdag pa ng nakatatandang kapatid ng binata, napakasakit isipin kung ano na ang sinapit ng kanyang kapatid habang sila ay walang magawa gustuhin man nilang saklolohan ang bunsong kapatid.
Napakabait at responsable daw na anak si Cristito at punong-puno ng pangarap ayon sa salaysay ng kaniyang ina.
Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang simpatya para sa pamilya at hangad na makita pa si Cristito sa lalong madaling panahon.
0 Comments