Photo courtesy of google and Facebook @Konsi Rico Navarro |
Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng mga awtoridad na manatili pa rin sa mga bahay lalo na at extended pa ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15.
Marami pa rin sa ating mga kababayan ang talaga namang mga pasaway at matitigas ang ulo.
Isa na rito ang post na isang barangay kagawad na si Rico Navarro ng Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan dahil umano sa isang babaeng bagong rebond na lumabag sa curfew.
Pahayag ni Kag. Rico, bandang 9:30 ng gabi nang makita nilang naglalakad sa labas ang isang babae kaya naman kanila itong hinuli.
Kanilang tinanong ang babae kung saan ito galing at dahil lumabag ito sa nakatakdang oras ng curfew.
Kalaunan ay umamin ang babae na nagpaayos ito ng buhok kaya umano siya ginabi sa pag-uwi.
Inamin din ng babae na ang perang ginamit niya sa pagpapa-rebond ay ang ₱6,500 na ayudang nakuha sa social amelioration program ng pamahalaan.
Bukod sa babaeng nagparebond, may iba ring nahuli dahil sa paglabag sa curfew nang araw na iyon.
Kasama sa mga alitutunin sa enhanced community quarantine, ay ipinababawal ang paglabas mula 7 ng gabi hanggang 5 ng umaga at tanging ang may mga quarantine pass lamang ang pinapayagang lumabas upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, inumin at gamot.
Inanunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na extended ang enhanced community quarantin (ECQ) sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
0 Comments