Photo courtesy of CNN Philippines |
Sa nakaraang televised address ng pangulong Rodrigo Duterte, kanyang nabanggit na agad-agd nyang tatangglin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at sa iba pang "high risk region" oras na nakagawa na ng bakuna kontra sa COVID-19.
“I am telling you: The moment this vaccine is out, I will lift it (ECQ) immediately. No need for ceremony. You don’t need to wait as long as there’s a vaccine,” ani ng Presidente.
Nauna nang inanunsiyo ng Pangulo na magbibgay sya ng pabuya sa sinong mang makaka-imbento ng bakuna laban sa pandemyang corona virus na nagkakahalaga ng 10 milyong piso.
Ngunit ang reward na ito ay tinaasan ng pangulo sa P50 milyon mula sa nauna niyang alok na P10 milyon at maaari pa raw tumaas sa P100 milyon kapag sobra siyang natuwa.
Dagdag pa dito, nangako rin ang Presidente ng dagdag na pondo para sa mga scientist na nagtatrabaho para sa COVID-19 vaccine.
kasabay ding inanunsiyo ng pangulong Duterte na magpapatuloy ang ECQ hanggan sa susunod na buwan, akinse ng Mayo upang makasiguro na mababa na ang tyansang magkahawaan pa sa corona virus.
Samanata, habang wala pang nadidiskubreng bakun, tuloy-tuloy ang abiso ng presidente sa lahat na 'wag munang lumabas nang bahay at sumunod sa social distancing.
Kaugnay nito, binira din ng pangulo ang mga pumupuslit para magsugal at mag-inom ng alak, at ang mga patuloy na nahuhuling lumalabag sa curfew.
Sa kasalukuyan ay may mahigit 7,900 na ang Covid19 positive samantalang 862 ang naka recover at may 508 naman ang mga nasawi.
0 Comments