Nagpahayag
ng taos pusong mensahe para sa mga doktor sa The Medical City sa Ortigas ang “Game
of Thrones” star na si Miltos Yerolemou.
Si Miltos
ang gumanap bilang Syrio Forel, ang sword-fighting teacher ni Arya Stark (na
ginampanan ni Maisie Williams) sa sikat na TV series.
Tinawag na bayani
ni Miltos ang mga health workers dahil sa kanilang serbisyo para malabanan ang COVID-19
pandemic.
“His family
told me of the care that your team gave him and the brave work that you do for
all your patients each and every day,” ayon sa actor na mula sa United Kingdom
“You face
fatigue, shortages of supplies, and a very real risk of infection,” Miltos said
“They want
you to know that you, all of you are their heroes.” He added
“They also
asked me to tell you to keep safe, rest well and to take care,” ayon kay Miltos
na pinangalanan din ang mga doctor sa nasabing ospital.
Bago matapos
ang video na inupload mismo ng The Medical City nitong Biyernes, sinabi ni
Miltos sa tagalog ang mga katagang: “Huwag po kayong susuko. Bayani po kayong
lahat. Maraming maraming salamat po.”
“Remember:
there is only one thing we say to the god of death: Not today,” Ayon sa aktor
na hango sa kanyang sikat na linya sa Game of Thrones.
“Stay
strong, stay safe, and thank you for everything that you do,” dagdag pa nito
0 Comments