Grace Poe asks DSWD to give timetable on cash aid: ‘Wag balewaliin ang tiyan ng mga walang-wala!





Umapela si Senador Grace Poe sa pambansang pamahalaan na makinig sa hinaing ng mga gutom na Pilipino na apektado ng lockdown sa Luzon.

Ayon kay Poe, ang Department of Social Welfare and Development ay dapat ay dapat umanong mag bigay ng isang malinaw na takdang oras sa pamamahagi ng emergency subsidy program para sa 18 milyong mga pamilya na may mababang kita.


Pinapayagan ng Bayanihan act ang pamahalaan na magbigay  ng ayuda na nasa pagitan ng P5,000 hanggang P8,000 sa mga taong labis na apektado enhanced lockdown dahil sa coronavirus.

“Milyun-milyong kaldero na ang walang laman at kailangan na silang lagyan. Ang ingay na hindi dapat nating ipagwalang-bahala ay mula sa tiyan ng mga walang-wala,” ayon kay Poe sa isang Instagram post

“Dapat magbigay ang DSWD ng malinaw na timeline kung kailan maibibigay ang natitirang ayuda mula sa pamahalaan,” ayon pa sa senadora

Nanawagan si Poe matapos na maaresto ng pulisya ang ilang mga residente ng Sitio San Roque sa Lungsod ng Quezon na nagsagawa ng protesta dahil sa kakulangan ng tulong na natatanggap sa kanilang lugar.

Nanawagan ang mga ito at kanilang hinahanap si Quezon City Mayor Joy Belmonte upang humingi ng ayuda.

Ayon naman sa ulat ng CNN Philippines, naaresto ang 21 residente ng QC dahil sa kakulangan ng protest permit.

Post a Comment

0 Comments