Isang lola sa Caloocan, namahagi ng relief goods mula sa kanyang munting tindahan



Photo courtesy of Facebook


Viral sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa isang lola mula sa Caloocan, na nagbabahagi ng kanyang munting relief goods para sa mga tricycle drivers sa kanilang lugar.

Ayon sa Facebook post ng isang netizen, nakakabilib daw ang ginawang pagtulong ng matanda sa mga tricycle drivers na nawalan ng pagkakakitaan, 


Dagdag pa ng netizen, nagbigay ng tulong ang lola ng mga pagkain mula sa kanyang sariling munting tindahan at di na niya kailangan magpa contest o pahirapan ang kanyang mga kabarangay.

Ganito daw aniya ang dapat tularan, walang halong pulitika sa gitna ng kalamidad. 

Umabot sa 111,000 likes, 201 comments, at 184,000 shares ang post na ito ng netizen na kinilalang si Bayani Allan Dimutulac.

Ibinahagi din ni ito sa programa ni Jessica Soho noong Marso 28, at ayon sa original na nagpost nito na si Lily Castro Mayo, kahanga-hanga ang ginawang ito ng matanda.


Saad ni Lily, Kapitbahay daw nila ang lola, at kanila itong tinatawag na Tita Carol, 74 years old, mayroon syang munting tindahan sa Deparo, Caloocan City.

Ramdam ni tita Carol na mahirap ang sitwasyon natin ngayon, lalo pa at pansamantalang pinatigil ang pasada ng mga tricycle drivers.

Kaya naisip ni Tita Carol at ng kanyang pamilya magbigay ng kaunting relief goods para sa mga driver na walang kita para makatulong kahit papaano.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 90,000 likes, 2,300 comments, at 3,900 shares.


Nagbahagi ng mga komento ang mga netizens at nagpasalamat sa kabutihang loob nito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Godbless po nanay carol and family. keep safe po..."

"More blessings to come for your family po nanay Carol!!
siksik liglig at umaapaw na biyaya ang darating pa s inyo...God bless po..."


"Pagpapalain kyo nyan ni Lord , tama yan magkaroon tyo ng malasakit sa ating kapwa"


"Godbless u po.. coronado po pala kayo.. coronado din po surname ko baka tita rin kita.. salamat sa pag tulong sa mga nangangailangan po..."



Post a Comment

0 Comments