Lalaking taga barangay, napikon sa pagtatanong ng isang residente ukol sa pagpapalista ng Social Amelioration Form


Photo courtesy of Youtube


Viral ngayon ang video ng mga nagpapalista ng form para sa Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan Fund: Tulong Laban sa COVID-19 na mga tauhan umano ng barangay.

Inupload ng isang netizen ang video kung saan isang lalaki ang nagpapaliwanag na hindi daw totoo na kada pamilya ang pagbilang sa magsusulat sa form.


Kaya naman agad na napaisip ang may-ari ng bahay, at agad itong nagtanong sa lalaking nagpapalista. Ayon sa lalaki, pinasinungalingan nyang isang pamilya kada isang form lang ang dapat nakalista sa form.

Dagdag pa nito, sa halagang P6,500 na ipapamimigay ng gobyerno ay paghahatian di umano ng tatlong pamilya.

Tila taliwas ito sa mga balita na napapanood ng lalaking kumukuha ng video tungkol sa sistema ng pagpapafill-out ng nasabing form.

Bagaman pinanindigan pa rin ito ng lalaking nagpapalista at iyon daw umano ang bilin sa kanila ng kapitan.


Gayunpaman, nanatiling mahinahon ang netizen na kumukuha ng video. At patuloy pa rin ito sa pagpapaliwanag.

Aniya, siya lamang daw ay naglilinaw ng kanyang mga katanungan at nais lamang nyang malaman ang detalye at kung ano ang bilin sa kanila ng kapitan.

Ayon pa sa lalaking tagalista, hindi daw lahat ng napapanood sa TV ay totoo. Ito ay patungkol sa naging pahayag ni Speaker of the House Allan Peter Cayetano. Sinabi lamang daw ito ni Cayetano para sa kanyang political career at para umangat ang pangalan nya.

Agad umalis ang lalaking tagalista matapos nyang sabihin ito at sinabing hindi na siya magpapalista sa lugar na yun. Hindi na daw mabibigyan ang ibang taong naroroon dahil sa ginawang pagkukuwestiyon ng netizen na kumukuha ng video.

Kabi-kabila ang inabot na pambabatikos ng lalaking nagpapalista. Marami ang umalma dahil ilang beses ng pinapaliwanag ng ilang mga opisyal ng gobyerno na kada pamilya ang pagbibigay ng form.

Ayon kay Pangulong Duterte, layunin ng Social Amelioration Program na magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga Pilipino habang tayo ay naka close quarantine upang mabawasan ang pagkalat ng coronavirus o COVID 19.



Post a Comment

0 Comments