Late night talk show! Hontiveros on Duterte's public message: Panira ng tulog!

Photo courtesy of Philstar



Senadora Risa Hontiveros muling pinuna ginawang public address  ni Pangulong Rodrigo Duterte, kanya itong tinawang na “late-night talk show” at ito daw ay isang “prelude to a night of bad sleep.”

Matapos daw kasing paghintayin ni Pangulong Duterte ang taumbayan ng halos walong oras para mapakinggan ang kanyang report ukol sa mga kaganapan sa Coronavirus outbreak.


Ang public address ni Duterte ay naka-iskedyul ng alas-4:00 ng hapon ngunit ito ay naipalabas  ng halos hatinggabi na.

The President’s late-night talk show last night was the prelude to a night of bad sleep, to the detriment of the Filipino people’s regular sleeping hours and overall health,” ani Hontiveros sa kanyang statement.

“After almost 8 hours of delay, the public was presented with neither a sound assessment nor a concrete plan to address the novel coronavirus disease or COVID-19 crisis,” dagdag  pa nito.

Binatikos din ng senadora si Pangulong Duterte dahil sa pinapatupad nitong enhance community quarantine dahil sa umano'y pagkabigo nitong talakayin kung paano nakakatulong para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Ayon kay Hontiveros, karapatan ng taumbayan malaman kung ano na ang kaganapan magmula pa ng simulan ang quarantine o ang tinatawag ng 'virtual lockdown'.

“The quarantine is essential at this time to slow the spread of the novel coronavirus. But it cannot stand alone,” sabi ni Hontiveros.

“For the lockdown to be effective, it should be backed up by intensified actions to increase the capacity of our health system, conduct mass testing, and protect our health workers at the frontlines. But the President’s address last night was lacking in all those terms. The usual threats and incoherence do not a report make,” dagdag pa nito.

Ngayong nabigyan na ng special power ang pangulo kasunod ang paglagda ng Bayanihan to Heal as One Act o RA 11469, marapat lamang na kumilos agad ito.


“What are the steps being taken by the government to enhance our capacity for mass testing? How do we ensure that there are enough personal protective equipment [PPE] in every hospital? How do we get the cash assistance to the most vulnerable as soon as possible? “ patanong na saad nito.

Ngunit, sobrang nakakabahala dahil wala umanong naisagot si Duterte sa mga katanungan na ipinipukol sa kanya.

“So far, the President provided no clear answers to these questions. It is alarming,” pahayag ni Hontiveros.

Ayon sa Department of Health (DOH) mayroon ng 1,546 na apektado ng COVID-19 sa bansa sa huling ulat nito Lunes ng tanghali.

Samantalang tumaas naman ang bilang ng mga nasawi bunga ng corona virus na umaabot sa 78 habang nananatili naman 42 ang bilang ng mga gumaling mula sa pandemya.


“Kailangan na ng taumbayan ang tulong na dapat sa kanila. Time is of the essence. For us to effectively defeat COVID-19, the government must act with a sense of urgency,” dagdag pa ng senadora.

Post a Comment

0 Comments