Photo courtesy of ABS-CBN |
Sa gitna ng pakikipaglaban ng ating mga health care frontliners laban sa mapanganib na sakit dulot ng corona virus, kabi-kabila sa ating mga doktor at nurse ang nagbubuwis ng buhay.
Masakit man isipin na dahil sa Pandemyang ito ay sa isang iglap, mawawalan ka ng mahal sa buhay. Maaring kaibigan, kakilala o kamag-anak mo ang maging isa sa mga biktima,
Ngunit wala ng higit sasakit pa ang mawalan ng isang magulang. Gaya na lamang ng kwento ng mag-asawang doktor na parehong binawian ng buhay dahil sa mapanganib na sakit na Covid 19.
Halos hindi masukat ang sakit na nararamdaman ng mga anak ng mga pumanaw na doktor. Para kay DJ Tudtud at sa kaniyang kapatid hindi lang isa bagkus parehong mga magulang nila -- na mga doktor -- ang yumao dahil sa coronavirus.
Parehong doktor ang kanilang mga magulang na sina Dr. Dennis at Helen Tudtud mula Cebu City, kwento ni Dj, unang naconfine sa ospital ang kanilang ina na si Helen, na may sakit na diabetes, noong Marso 17 matapos magpakita ng sintomas ng sakit na dulot ng Covid 19.
Ngunit makalipas lamang ang apat na araw, ay sumunod namang naconfine ang kanilang amang si Dennis.
Dahil immunocompromised ang kanilang ina, hindi na kinaya ang sakit at binawian ito ng buhay noong Marso 27. at sa kasamaang palad, makalipas lamang ang tatlong araw, ay sumunod naman ang kanilang amang si Dennis.
Ayaw ng malaman pa nila DJ kung saan o kanino nahawa ang kanilang mga magulang. Ang mas mahalaga ngayon para sa kanila ay ang mga alaalang iniwan ng mga magulang at ang kaligtasan ng kaniyang kapatid.
"They're really in love. They want to be together in life and even in death, they're inseperable in some way," ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay DJ.
Hindi na nalaman ng kanilang ina na nahawa ang kaniyang kabiyak habang patuloy na inaalala naman ang kanilang ama ang kondisyon ng may bahay hanggang sa ito ay ma-intubate.
Hanggang sa huling sandali ng kanyang ama, ay iniisip pa rin nito ang kapakanan ng kanyang mga pasyente, na syang higit na umantig sa puso ni DJ.
"The last thing he said to me... it was all orders for me to give to his patients. Imagine, hindi 'yong 'I love you' 'yong nasabi niya muna," sambit ni DJ.
"So all his patients pa rin 'yong last words niya for me," dagdag pa nito.
Base sa pahayag ng Philippine Medical Association (PMA), 17 manggagamot na ang nasasawi dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Ayon kay Oscar Tinio, PMA Commission on Legislation chairperson, sa kabila ng paghahanda ng pamahalaan sa pagsugpo ng COVID-19, tila kinulang pa rin ito dahil na rin sa bilis ng pagkalat ng virus.
"We should have been more proactive. Mayroon naman tayong contingencies and preparations in place. Kaya lang ang ating preparations, na-overwhelm eh. Kinulang talaga," ayon kay Tinio.
"We expect tougher days ahead. Alam namin na hindi ito magiging madali. Hihirap pa ito and we all have to be prepared," ani pa nito
Dagdag pa ni Tinio, walang doktor ang sino mang tatalikuran ang kanilang tungkulin na sumagip ng buhay pero sana raw ay hindi sila pabayaan ng mga may kakayahang tumulong sa kanila.
Para naman kay DJ, tanggap nila na ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay kaakibat ng tawag ng kanilang tungkulin bilang pagiging doktor ng mga ito.
Ngunit ngayong wala na raw ang kanilang mga magulang, masakit mang isipin ngunit kanyang hinihiling na sana hindi na lang ito nangyari.
"It's very hard to forget lalo na it happened just really near my birthday. Then burying my dad on my birthday mismo," ani DJ.
"Sometimes I pinch myself na it's just a dream," dagdag pa nito.
Ayon sa datos ngayong Huwebes, Abril 2, ay umaabot na sa 2,633 ang dami ng nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health ng 322 bagong kaso..
0 Comments