Magsama ka pa! Duterte dares Chel Diokno to break lockdown rules: Punta kayo sa Luneta, baka ikaw ang unahin kong ikarga!

Images courtesy of FB: Presidential Communications (Government of the Philippines)/
Twitter: ChelDiokno


Napuno na si Pangulong Rodrigo Duterte kay human rights lawyer Chel Diokno, sa mga kritisismo nito tungkol ipinatupad ng pamahalaan na lockdown.

Sa talumpati ng pangulong kamakailan, hinamon ni Duterte si Diokno na labagin ang kanyang utos na manatili sa bahay ang mga tao at iwasang lumabas ng kanilang mga bahay.

“Subukan mong mag-converge-converge… constitutional right… subukan mo. Sumali ka, pag di ikaw ang pauna. Magsubukan tayo…Sabi mo tama ka , sabi ko mali ka. O ngayon, subukan natin. 

Hindi ka maaresto? Magimbita ka ng sampu, punta kayo ng Luneta, ‘pag hindi ikaw ang una kong ikarga..” ayon kay Duterte


“Wag mo akong… may panahon ng politika, panahon ng krisis, pandagdag ka,” dagdag pa niya


Sa unang araw pa lang na naipatupad ang lockdown sa Luzon, kinuwestiyon ni Diono ang banta ng pulisya na aarestuhin ang lalabag sa mga patakaran ng quarantine at lalabas ng kanilang mga tahanan.


“The PNP cannot arrest and detain you for violating public health emergency measures. They can stop you and bar your entry, that is just right if needed, but they cannot arrest and detain you because entering Metro Manila is not a crime,” ayon kay Diokno sa kanyang ilang Twitter posts.


Sa ikatlong linggo ng lockdown, sinabi ni Diono na na-abuso ng National Bureau of Investigation ang batas dahil sa pag puntirya nito sa mga mamamayan na pumupuna sa lockdown.

Iginiit naman ng pangulo na wala siyang pasensya sa mga matitigas ang ulo katulad ni Diokno lalo na sa panahon ng krisis.

“I’m sure in the coming days, there will be arrests and complaints and a lot of lousy lawyers like Chel Diokno encouraging to violate the law,” ayon sa Pangulo



“Mga binibigyan namin, bakit ganoon ka ba kayaman at ganoon kami kahirap? Manalo ka sana (ne senator)…Ang problema sa ‘yo Dean ka pa naman ng College of Law (De La Salle University).” dagdag niya


Post a Comment

0 Comments