Photo file from Google |
Rosario, La Union - Dead on arrival ang isang ginang matapos itong pagtatagain ng kanyang sariling anak, sa barangay Amlang, Rosario, La Union.
Ayon sa balita ng ABS-CBN, nag-away umano ang ginang at ang anak nitong lalaki dahil sa cash aid na natanggap ng ina nitong Biyernes ng hapon.
Dahil sa mainitang pagtatalo ng mag-ina, ay pinatataga ng anak ang kanyang ina dahil ayaw umano nitong bigyan ang anak.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-away ang mag-ina dahil hindi umano binigyan ng ginang ng pera mula sa social amelioration program ang kaniyang 34 anyos na anak.
Kasama ang nasabing ginang sa mga nabigyan ng ayuda ng pamahalaan bilang suporta sa kasalukuyang krisis dulot ng COVID-19.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Rosario Police Station ang nasabing suspek.
Simula ng ideklara ang enhanced community quarnatine (ECQ), upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Hindi na normal ang pang araw-araw nating buhay dahil sa krisis na ating kinakaharap'
Samu't-saring balita ang ating natatanggap tungkol sa ating mga kababayan na matapos makatanggap ng ayuda ay winawaldas lamang ito.
Nakakalungkot isipin na dahil lang sa maliit na pera ay ipinagpalit ng lalaking ito na kitilin ang buhay ng kanyang ina.
0 Comments