Mga larawan mula sa Abante |
Mabenta sa mga millenials ang mga witty posts ng may ari ng Ligo sardines na mula sa pamilyang Tung lalo na ang tagapagmana ng ikatlong henerasyon ng pamilya na si Mikko Lawrence Tung.
Si Mikko ay naging paborito ng mga kabataang galit sa gobyerno, matapos niyang maging kritikal sa mga opisyal ng gobyerno na binansagan pang mga "magnanakaw"
Ngunit kasabay nito ay lumabas naman ang balitang ang Tung’s A. Tung Chingco Manufacturing Corp.,na nagmamay-ari ng lisensya upang magbenta ng mga produkto Ligo sa bansa ay tila walang pinagkaiba sa ilang mga negosyante na walang pakialam sa kanilang mga tauhan.
Noong Pebrero 11, iniulat ng Center for Trade Union and Human Rights o CTUHR (Philippines) na ang Valenzuela local government at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay isinara ang pabrika ng Ligo dahil sa maraming paglabag nito.
Sinabi ng CTUHR na 400 sa manggagawa ng LIGO ay na "endo" o mga contractual, may mga nawalan ng trabaho nang walang kasiguruhang makakatanggap ba sila ng anumang kabayaran o kung sila ay magkakaroon pa ba ng trabaho.*
Sinabi pa ng labor group na marami nang ulat ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa ng ATC sa mga nakaraang taon, tulad nalang nga contractualization, sapilitang overtime, mahabang oras ng trabaho at hindi ligtas na working conditions.
Matapos ang isang linggo ay muli ring pinahintulutan ng CTUHR ang pagbubukas muli ng pabrika ng Ligo. Dahil dito, ang ilang mga mangagawa ay nakabalik sa trabaho, at ang iba naman ay nakahanap na ng iba.
At noong Abril 5, kasagsagan ng kasikatan ng Ligo sa social media, muling iginiit ng CTUHR ang pamilyang Tung na sumunod sa "environmental laws and internationally recognized labour standards and local government requirements, while protecting the workers’ job security.”
“The company has re-opened after a week, but there remains to be points for improvements in the working conditions in the company,” ayon pa sa CTUHR*
Samantala, maging ang Broadcast Journalis na si Karen Davila, na kilala ring kritiko ng administrasyong Duterte ay gumatong din sa issue at hinakayat ang Tung family na ipaliwanag ang mga naging paglabag nila.
"LIGO should answer this. So many bought into their bold PR the last couple of days. 400 displaced workers?” ayon kay Davila sa kanyang Twitter post.
Maging si Inday Espina-Varona, isang investigative journalist ay nais ding magpaliwanag ang mga Tung at ipakita ang katotohanan sa kanilang mga patakaran sa paggawa at sa kapaligiran.
“I still give props for their critical ads. That is entirely a different issue. I support the former and urge full disclosure of the labor/pollution allegations. Have asked CTUHR for updates,” ayon kay Espina-Verona
0 Comments