Pastor sa CDO arestado, matapos magsagawa ng church service sa gitna ng city-wide quarantine



Photo courtesy of Facebook


Arestado ang isang pastor na kinilalang si Pastor Alfred Caslam ng The Word of God Spirit and Life Ministries Inc. sa Cagayan De Oro City matapos magsagawa ng church service sa kabila ng close quarantine.

Ayon sa otoridad, nilabag ni Pastor Caslam  ang pinatutupad na social distancing matapos magdeklara ng city-wide quarantine ang lungsod noong Marso 19, bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19


Nasa mahigit 500 katao ang dumalo sa church service ng nasabing simbahan nitong Linggo, Abril 5, 2020.

Nahaharap si pastor Caslam sa kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code at Section 9 of R.A. 11332 kaugnay sa di pagsunod sa awtoridad at Section 9 ng R.A. 11332, dahil sa di pakikiisa sa alituntunin ng kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng bawat isa 

Maaring isang buwan hanggang anim na buwan na pagkakakulong ang maaring maging parusa sa sinumang lalabag sa Article 151 of the Revised Penal Code at piyansang di lalagpas sa ₱5,000. 

Samantala, ₱20,000 to ₱50,000 at pagkakakulong ng hanggang anim na buwan naman ang maaring maging kaparusahan ng lalabag sa Section 9 ng R.A. 11332. 


Iniutos ni Mayor Oscar Moreno ang pansamantalang pagpapasara ng nasabing simbahan ni Pastor Caslam.

Ayon pa sa CDO Regulatory Compliance Board at sa pulisya, ito ay pangalawang beses nng paglabag ng nasabing pastor sa itinakdang city-wide quarantine at kanilang binalaan ito noong Marso 29, kung saan ay una silang nagsagawa ng church serivice.

Ayon naman sa pastor, hindi nya inakala na ganoon kadami ang dadalo sa isinagawa nilang pagkakatipon. At hindi rin naman nya umano map[ipigilan ang mga tao na huwag dumalo.

Humihingi nang paumanhin ang nasabing pastor habang ito ay nasa presinto, aniya pinatupad naman daw nila ang social distancing at magkakahiwalay ang pagkaka-ayos ng kanilang mga upuan.


Sa kabila nito, patuloy pa din ang pagsampa ng  kaso ng kapulisan laban sa pastor.

Post a Comment

0 Comments