Vivian Velez: Maraming matigas ang ulo, ECQ alisin na lang 'para di maubos doctors at health workers natin!'

Photo courtesy of Facebook


Halatang asar at dismayado na ang dating aktres noong dekada 80 na si Bb. Vivian Velez, sa mga kapwa Pilipino na pawang mahirap pakiusapan na magpirmi pansamantala sa mga tahanan.

Sa kabila kasi ng pagdedeklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Luzon-wide lockdown marami pa rin sa ating mga kababayan ang patuloy na lumalabas ng kanilang mga bahay.


Ayon sa beteranang aktres, pawang matitigas ang ulo ng ilang mga Pilipino at hindi sumusunod sa pinatutupad na mga enhanced community quarantine (ECQ) measure gaya ng social distancing.

Ito ang kanyang obserbasyon sa mga litrato na makikita sa social media kung saan patuloy pa ding lumalabas ng kanilang mga bahay at nagkukumpulan pa at tila di takot magkahawaan ng corona virus.

Sa kanyang Facebook post, suhestyon ni Velez, ay alisin na lang ang ECQ kung hindi kayang kontrolin ang pagdagsa ng mga tao at isara ang mga ospital para sa mga COVID-19 case para naman hindi maubos ang mga health worker.

Dagdag pa ng sexy actress, matira ang matibay na lang dahil marami naman ang hindi sumusunod sa ECQ.


“If we cannot control these kind of crowds, might as well lift the ECQ. Close the hospitals for Covid 19 cases para di maubos doctors and health workers natin. Matira matibay nalang. Tutal marami ang hindi sumusunod sa ECQ,” ani Velez sa kanyang Facebook post.

"Nasasayang lang ang sakripisyo ng ilang mamamayan na hindi lumalabas ng mga bahay." Dagdag pa ni MS. Velez.

“As taxpayers, we’re sacrificing our business and freedom, and for what? Para ipamigay ang pera sa mga di marunong sumunod sa batas."

Nasaan ang mga dapat magpatupad ng batas?” giit ng aktress.


Sumang-ayon naman ang ilang netizen sa pahayag ng tinaguriang Ms. Body Beautiful, narito ang kanilang komento:

"I totally agree, tayong mga tax payers hindi tayo humihingi ng tulong sa government hoping tayo na makabalik sa trabaho to be able support our families but this will only happen kung ma control natin ang pagdami ng covid 19 positive cases pero paano mangyayaring ma control sa dami ng pasaway"

“Tama. Mam V.. Kakainis. Tayo nagsasakripisyo tapos itong mga matitigas ang ulo karamihan pa jan yan ang madami natatanggap na ayuda sa government.”

"tama po kayo mam, kng tutuusin ang mga nahuhuling ng-iinom un mga walang makain na mahihirap na iniintindi lagi ng pangulo tapos ang kakapal pa ng muka nila"


“I agree with you. Survival of the fittest nalang tayo… mga pasaway mga bwesit.”



Post a Comment

0 Comments