Angel Locsin nagpasaklolo sa NBI dahil sa P200M na patong sa ulo

Photo courtesy of ABS-CBN

Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang aktress na si Angel Locsin matapos nitong makita ang post ng isang netizen sa social media na mangbibigay umano ito ng P200 milyong piso kapalit ang buhay nito.

Bukod pa kay Angel, kasama din ang mga kapwa Kapamilya stars na sina Kim Chiu at and Probinsyano lead actor na si Coco Martin.



Ayon sa post ng netizen na si NJ Abellanosa, aniya, “Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makakapatay kina Kim Chiu, Coco Marin, at Angel Locsin. Makakasama nyo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound.” 

Ibinahagi naman ni Angel ang screenshot ng post na ito ng netizen at nilagyan niya ng caption na, “Hello, NBI? Beke nemen po…”

Nagbigay naman ng pahayag ang NBI ukol sa panawagan ng aktres sa kanyang Twitter account ukol sa nasabing death threat. saad ng NBI, hindi nila pinagbabawalang bahala ang mga ganitong klase ng pagbabanta sa kahit sino mang mamayan.

Nagpahayag din ng suporta ang NBI sa kahilingan ng aktres ayon sa ulat ni Nico Baua, "If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed."



Maging ang ilang personalidad ng ABS-CBN ay sangkot din sa nasabing death threat, kabilang dito ay sina Kathryn Bernardo, at maging ang ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak.

Bukod sa P200 milyon na nakapatong sa ulo ng mga nasabing celebrities, inakusahan din ng nasabing netizen na kabilang ng rebeldeng New People's Army (NPA) si Angel Locsin. 






A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on


Post a Comment

0 Comments