Coco Martin nawalan umano ang endorsements at bumaba ang kasikatan




Nawawalan na nga ba ng endorsements si Coco Martin matapos ang kanyang “rant” dahil sa usaping franchise renewal ng ABS CBN?

Ayon sa isang article ng Abante na isinulat ni Ambet Nabus, sinabi na tila busy ang kampo ni Coco ngayon na mag isip ng paraan kung paano makaka kuha ng suporta ang aktor.



Tila nabawasan umano ang kasikatan o popularidad ng aktor dahil sa mga salitang kanyang binitawan.

Di tulad ni Kim Chiu na parang mas lalong sumikat kahit matindi ang dinanas mula sa bashers dahil sa kanyang “law of classroom” statement.

Nagkaroon pa ng full song ang nakaka LSS na “bawal lumabas” na agad umabod sa mahigit 2 million views.

Mayroon din umanong bali-balita na may mga on-going endorsements dapat si Coco na nauwi umano sa wala dahil na turn off daw ang mismong client sa inasal ng aktor.



“Hindi labanan ’to ng diplomasya. Binarubal na tayo. Tinarantado na tayo. Kinuha na iyong bahay natin. Anong ie-expect natin? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos na tayo. Magsalita tayo,” ayon pa sa naging pahayag noon ni Coco

“Kasi kung lahat tayo mananahimik, aabusuhin tayo niyan... Kasi ito iyong pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho. Ano ang iingatan natin?” dagdag pa nito.

 Kung matatandaan ay agad namang humingi ng paumanhin si Coco sa mga netizens dahil sa kanyang outburst matapos maipasara ang Kapamilya network.

Binanatan noon ni Coco ang pamahalaan dahil sa naging desisyon nito na ipasara ang ABS CBN kahit nasa gitna ng krisis sa pandemyang COVID-19.

"Pasensya na po kayo, sobrang galit na galit lang po ako, ngayon lang po kami maglalabas ng sama ng loob. anong klaseng mga tao ito? sa gitna ng pandemya, nauna nyo pang isipin na ipasara ang ABS-CBN kesa tugunan ang problema ng bansa! Bakit sa panahon ngayon, kami pang mga artista ang naisip nyong tanggalin, nasaan ang hustisya?" aniya




Post a Comment

0 Comments