Jay Sonza may resbak sa ABS-CBN at Coco Martin: 'Walang 11k na nawalan ng trabaho! may press freedom at cable channels pa kayo!'


Photo courtesy of KAMI and Facebook


Matapos ang mainit na isyu tungkol sa pagsasara ng pinakamalaking TV network sa bansa dahil sa 'cease and desist' order ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos mag-expire ang prangkisa nito noong nakaraang Lunes, May 5.

Dahil dito, ay mahigit 11,000 umanong mga empleyado ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho sa gitna ng krisis sa COVID-19.



Kasunod nito, nagdaos ng isang on line rally ang nasabing network sa pagkakaisa at pagsasama-sama ng mga bigating artista ng kapamilya network upang maglabas ng kanilang mga hinaing sa pamahalaan dahil sa pagpapasara ng ABS-CBN sa gitna ng krisis sa pandemya.

Kinabilangan ng mga sikat na mga artista ng ABS-CBN ang nakilahok sa on-line protest na tinawag nilang "Laban Kapamilya" tulad nina Kim Chu, Boy Abunda, Agot Isidro, Coco Martin at marami pang iba.

Nag viral sa social media ang kanilang Live streaming kung saan ay maraming netizens ang nakilahok sa mga nasabing mga artista.

Ang ibang mga netizens ay naki-simpatya sa mga kapamilya artists samantalang ang iba naman ay buong tapang na binash ang mga kapamilya artists.



Kabilang na jan sa higit na naging viral ay ang portion nila Kim chu at Coco martin, maging numero unong tagabatiklos ng administrasyong Duterte sa na si Agot Isidro.

Ayon sa balita ng KAMI, nagpahayag ng maiinit na mensahe ng isang dating newscaster ng ABS-CBN para sa mga kapamilya stars sa kaniyang social media account.

Ayon kay Jay Sonza, hindi umano nawalan ng trabaho ang 11,000 na empleyado ng ABS-CBN.

"Walang 11k na nawalan ng trabaho. may press freedom at showbiz entertainment sa cable (TFC, ANC), webcast, iWant, YouTube, FB, IG, Twitter, etc." ani nito.



Matapos nito, agad naman nyang sinunod Ang Probinsyano Star,"Doon sa naghahamon ng basagan ng mukha (Rodel Nacianceno aka Coco Martin), Call ako!" tinutukoy nito ang pahayag ng aktor na,  "pwede na tayong makipag-basagan ng mukha!" 

Saad ng dating ABS-CBN newscaster, "Hintayin kita rito sa Km. 72 Daang Maharlika, Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur." 

Dagdag pa ni Mr. Sonza, may libreng pagkain pa ang naghihintay sa kanya sa Davao kung sakaling magpasya itong pumasyal.

Sa naunang article ng KAMI, naglabas din ng maaanghang na salita ang dating broadcaster sa kanyang social media kung saan kanyang pinagkatuwaan ang itsura ni Ogie Diaz. 



Sa kanyang Twitter post, tinawag umano nitong "Asymptopangit" ang isang tao kung kamukha na nya ang komedyanteng si Ogie Diaz. 

“Asymptomatic - you know you have the virus and accepted it. Asymptopangit - nagiging kamukha mo na sina PAB jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap,” pahayag ni Sonza sa kanyang Twitter post.

 Jose Yumang Sonza or Jay Sonza ay beteranong journalist, newscaster, at isang talk show host. Naging maingay sa social media dahil sa mga kontrobersyal na banat nito sa mga local celebrities industriya ng showbiz.. 

Post a Comment

0 Comments