Kongresista, tinawag na 'distasteful at unprofessional' dahil sa pang-ookray kay Kim Chiu sa ABS-CBN franchise hearing


Photo courtesy of Philstar


Naging usap-usapan sa social media ang paandar ni Deputy Speaker at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa naganap na congressional hearing para sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya Network. 

Kung saan ay tila pangungutya ang naging dating ng mambabatas sa mga kapamilya talents na naglabas ng kanilang suporta para sa ABS-CBN.



“Hindi po nag-comply ang ABS-CBN kaya hindi sila puwedeng lumabas at magpalabas (ABS-CBN did not comply [to the rules] so they cannot go on air and air shows)," paunang statement ni Marcoleta.

Hindi nagustuhan ng mga netizens, lalo na ng mga fans ng aktres na si Kim Chiu ang patutsada ni Marcoleta dahil sa pang-ookray nito sa mga kapamilya stars lalo na sa aktres.

Ginamit kasi ng kongresista sa kanyang opening address ang viral statement ni Kim Chiu na nagkukumpara sa sitwasyon sa loob ng classroom sa pagpapatigil sa operasyon ng kanilang TV network.

Tinawag nilang distasteful at unprofessional ang naging talumpati ng kongresista at ginamit pang presentation ang nasabing video ni Kim.



Ito rin ang dahilan kung bakit nag-trending ang nasabing politiko  ngayong araw at umani pa ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.

Ayon sa komento ng karamihan, parang hindi tamang gamitin ng kongresista ang nag-viral na pahayag ng Kapamilya actress na syang dahilan kung bakit nakatanggap ng matinding pamba-bash ito. 

Sana’y naging sensitibo naman daw ang opisyal sa pinagdaanan ng dalaga ayon pa sa sentimento ng ibang netizen.



“Dear Mr. Congressman Marcoleta. Using Kim Chiu’s controversial statement to deliver your point is distasteful humor and a form of shaming that is uncalled for. #IbalikAngABSCBN,” ani ng isang @plama_jobelle.

"Napaka-unprofessional at distasteful ang humor ni Marcoleta in using Kim Chiu's and Vice Ganda's statements against them." saad naman ni @Parkonsonism

“Wow. Using Kim Chiu for their presentation in the House. That was supposed to be factual and relevant as an attestation? That was clearly chasing clout and attention from the same ppl treating it as a mere joke. What a troll. Disappointing. #IbalikAngABSCBN.” Tweet naman ni @exolcbpony.

“Sobrang distasteful ng pagpapalabas ng videos nina Kim Chiu at Vice Ganda. Ganyan ba ang isang government official?” ayon naman sa isang netizen.



Naging trending sa Twitter ang unang congressional hearing para sa franchise renewal ng ABS-CBN. 

Sa katunayan, nasa number one spot ng trending list ng Twitter ang “#IbalikAngABSCBN” habang kasama din sa top 10 ang “ABS-CBN” at “#LabanKapamilya.”

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa katatapos na hearing para sa franchise renewal ng tinaguriang giant network.

“ABS CBN has been my everyday companion since 1987… Please bring back my ally and family… #IbalikAngABSCBN,” tweet ni @nettedejesus2.

“Let’s help the station who has been with us through all the circumstances! #IbalikAngABSCBN.” ani @DonnabelleFern4, 

“Giving the Filipino people the right to be entertained and informed in all parts of the country is a PUBLIC SERVICE. ABS-CBN is more than just a business. It is a MISSION. Ibalik natin ang misyong nakasanayan ng bawat Pilipino! #IbalikAngABSCBN #KapamilyaForever,” dagdag naman ni @pawilectura.

Post a Comment

0 Comments