Photo courtesy of Google photo file |
Sa televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinamantala nya ang pagkakataong humingi ng paunmanhin sa mga business tycoons na sina Manny Pangilinan at ang magkapatid na Ayala.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, isang “humbling experience” para sa kanya ang krisis ng COVID-19.
Sa ulat ng CNN Philippines, nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa mga businessman na tumulong sa mga Pinoy ngayong may krisis na pinagdadaanan ang bansa.
Humingi rin ng paumanhin ang Pangulo para sa mga masasakit na salitang nabitawan niya laban sa kanila. Aniya ang mga salitang nabitawan ay marahil dala lamang ng kasalukuyang mga problema ng bansa.
Nagpasalamat din siya sa mga tulong ng business sector sa mga Pinoy ngayong may krisis sa bansa.
“I’d like to thank you from the bottom of my heart for helping us provide the necessities of the moment. I can promise you that I’ll be nice and if you want to see me, we can talk,” ani ng Pangulo.
“Naubos na ho ‘yung pagkasuplado ko kasi dahil sa COVID. The COVID humbled me with the kind of response that you gave, showed to the public, it’s a humbling experience also for me that baka kailanganin mo rin sila balang araw,” dagdag pa nito.
Siniguro naman ng Pangulo na bukas sya sa pag-uusap sa pagitan ng mga Ayala at Pangilinan kung may mga hindi sila napagkasunduan noon.
“I am ready to talk and I would be reasonable, to the Ayalas and to Pangilinan, I apologize for the hurting words. If you can find in your heart to forgive me, because if you do not then if you do not want to forgive me I will undercut you I will go direct to God,” pahayag ng Pangulong Duterte.
Nagpahayag naman ng pasasalamat at mga Ayala at maging si Pangilinan sa pagpapakumbaba ng Pangulo sa kabila ng mga nabitawang salita laban sa kanila.
“We are grateful for President Duterte’s statement at the briefing last night. We have always believed in building a strong partnership between the private and public sectors in addressing our country’s problems and in investing in the country to create jobs and improve the lives of Filipinos,” sabi ng magkapatid na Jaime Augusto and Fernando Zobel de Ayala.
“We appreciate the recognition of the Ayala Group’s efforts in supporting the administration as it faces the challenges brought by the COVID-19 pandemic,” dagdag pa ng magkapatid.
Sa isang tweet naman ni Manny Pangilinan, nagpasalamat ito sa mensahe ng Pangulo para sa kanila.
“I would like to thank the President for his remarks tonight, most especially for his sincerity and kindness,” sabi ni Pangilinan.
“I wish to assure him that our group is fully committed to being a partner of government in addressing the heartbreaking moments of COVID-19 on our people, in building a better tomorrow for them. We are, and have, always been here, for the country.” dagdag ni pa Pangilinan.
“We are, and have always been here, for the country,” ani pa ni Pangilinan
“We are, and have always been here, for the country,” ani pa ni Pangilinan
Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan niya ang mga water concessionaires sa Maynila tulad ng Manila Water at Maynilad dahil sa diumano’y “onerous contract” ng mga ito sa gobyerno.
Ang Manila Water Co. ay isa sa mga subsidiary ng Ayala Corporation. Samantala, si Pangilinan naman ang head ng Metro Pacific Group of Companies kung saan isa sa mga kompanya nito ang Maynilad.
Nagbanta rin noon ang Pangulo na kukunin ng gobyerno ang pagpapalakad ng water distribution services kung hindi sila papayag sa bagong kasunduan nila.
0 Comments