Sobrang hindi matanggap! Lalaking fan na fan ng ABS-CBN, inihagis ang kanilang TV


Screencap photo courtesy of Facebook @Mira Escalada Ledesma


Dahil sa sobrang pagkadismaya ng isang lalaki sa Capiz dahil sa pagpapasara sa Kapamilya network, ABS-CBN, nagawa nitong ihagis sa labas ang kanilang telebisyon.

Namaalam kamakailan ang pinakamalaking television network sa bansa dahil sa pag-expire ng prangkisa nito.



Sa Facebook post ng kapatid ng nasabing lalaki, na kinilalang si Mira Ledesma, makikitang sinubukan pang awatin nito ang kapatid na lalaki.

Kasalukuyang viral ang nasabing video ng magkapatid na Ledesma at mayroon na itong isang milyon na views habang libo-libo na rin ang nag-share.

Sa panayam kay Mira ng ABS-CBN News, sinabi nitong hindi nila akalain ang naging reaksyon mula sa mga netizens.

Paliwanag pa ni Mira, nais lamang daw nilang ilabas ang kanilang saloobin ukol sa nangyaring pagshut down ng kanilang paboritong TV station.



Dahil sa labis na pagkadismaya sa nangyari sa kanilang paboritong libangan, kaya nagawa ito ng kanyang kapatid.

"In-express lang po namin 'yung saloobin namin na wala na po ang ABS-CBN. Masakit lang po kasi na sa 27 years ko na dito sa mundo ngayon lang mawawala 'yong paborito naming channel," ani Mira.

Nagpaabot din sila ng mensahe sa pamahalaan n asana ay mabigyan ng konsiderasyon ang nasabing network.

"Sana po maibalik na po nila ang ABS-CBN at kahit i-consider na lang muna nila kasi, nakakapanibago sa lahat, hindi lang po siguro sa amin," dagdag pa nito.


Kamakailan din ay mayroon namang dalawang masugid na tagahanga ni Coco Martin ang nagawang ding basagin ang kanilang bagong TV dahil sa pagkadismaya ng kanilang idolo dahil sa pagshut down ng kanilang TV network.

Sa naunang balita ng KAMI, naglabas ng saloobin si Coco Martin matapos lumabas ang desisyon ng NTC na ipasara ang ABS-CBN. 


Una nang sinabi ng Palasyo na "neutral" lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, sa pahayag ni Spokeperson Harry Roque.

"Ang panindigan po ng Presidente, kung nakuha naman po ng Kongreso na magpasa ng resolution na humingi sa NTC (National Telecommunications Commission) na magbigay ng provisional authority, bakit hindi na lang magpasa ng batas na nagbibigay ng franchise sa ABS-CBN?" paliwanag ni Spokesperson Harry Roque.


"Huwag po kayong mag-alala mga congressmen. Hindi po magagalit, hindi matutuwa ang Presidente kung kayo po'y ipasa ang ABS-CBN. Completely neutral po ang Presidente d'yan," dagdag pa nito.




Post a Comment

0 Comments