Dating Australian actor hinatulan ng kamatayan sa China




Isang dating TV at stage actor mula sa bansang Australia ang sinentensiyahan ng kamatayan sa China, ayon sa ulat ng reuters at news.com.au.

Si Karm Gillespie na lumabas sa hit TV series na “Blue Heelers” ay nahahara sa parusang firing squad matapos mahulihan ng 7.5 kilong shabu sa kanyang luggage.

Noong nakaraang linggo ipinataw ng mga Chinese authority ang death sentence laban sa 56-anyos na dating aktor dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Samantala, hangad naman ng Australia na makipag engage ang China sa kaso ni Gillespie, ayon kay Prime Minister Scott Morrison.

Ayon sa ulat ng reuters, may namumuo umanong diplomatic tension sa pagitan ng Beijing at Canberra matapos na humiling ang Australia ng internasyonal na pagsusuri sa pagkalat ng bagong coronavirus, na lumitaw sa China.

Si Gilespie ay hinatulan ng isang korte sa katimugang lungsod ng Guangzhou noong Miyerkules.

Ang parusang kamatayan para sa smuggling ng droga ay hindi bihira sa Tsina, kung saan ang mga pagpatay ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng firing squad.

Ikinalulungot naman ni Morrison ang naging hatol kay Gilespie at nanindigan na hindi sila sang-ayon sa parusang kamatayan.

“We advocate consistently for the abolition of the death penalty worldwide by every diplomatic avenue available to us,” ani Morrison

“We will continue to provide Mr Gilespie with consular assistance and engage China on his case.”dagdag pa nito

Si Gilespie ay naaresto umano noong taong 2013 matapos makuhanan ng ipinagbabawal na gamot sa kanyang bagahe sa isang airport sa China.


Post a Comment

0 Comments