DOJ, tukoy na ang kinaroroonan ng lalaking nagbanta ng rape kay Frankie Pangilinan

 

Photo courtesy of MEGA


Inihayag ng Department of Justice (DOJ) ang kinaroroonan ng lalaking di umano'y nagbanta ng pang-aabuso sa anak nina Senador Francis Pangilinan at Mega star Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Ayon sa DOJ, naging mabilis ang pag-usad ng imbestigasyon sa tulong na din ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at agad ding natukoy ang kinaroroonan nito.

Base sa article ng KAMI naging laman ng balita at maging ng social medias si Alcos nang magkomento ito ng pagbabanta kay Frankie na ikinagalit ng mga magulang nito.

Patuloy pa rin ang mga otoridad sa masusing pag-iingat sa pagsasagawa ng mga hakbang upang masigurong tamang tao ang kanilang natutunton.

"The DOJ-Office of Cybercrime has ascertained the identity and location of the person who allegedly threatened Frankie Pangilinan," pahayag ni Undersecretary Markk Perete, spokesperson ng Department of Justice kaharap ang media.

Gumamit ng "open-source intelligence" ang mga operatiba upang makumpirma na ang taong pinaghahanap nila ay totoo, maging ang kasalukuyan nitong tirahan at pati na rin ang kasalukuyan nitong trabaho.

“May directive sa amin si OIC ng NBI para tingnan iyong issue. Tiningnan namin kung saan kami mag-uumpisa, anong magiging lead,” sabi ng hepe ng NBI Cybercrime Division sa isang interview.

Nagkapagpadala na rin umano ng request ang cybercrime office ng DOJ sa Facebook na i-preserve ang ilang post na magsisilbing ebidensya laban sa akusado.

Sa naunang ulat, nabanggit ng dating TV show host at in ani Frankie na may posibilidad na nasa London ang lalaki at tila nagkaroon na sila ng lead tungkol sa employer nito.

Sa pahayag ni Usec. Perete, kahit nasa ibang bansa ang lalaking sangkot sa pagbabanta, maaari pa ring maasunto ito sa ilalim ng batas ng cyber-crime law.

“We have a number of laws which actually would extend jurisdiction for so long as one of the elements of the crime is committed,” ani Perete na sinabing pwedeng ma-extradite si Alcos upang maharap nito ang kaso na isasampa ni Frankie.

Bukod sa NBI, handa na rin daw ang Department of Justice sakaling ituloy ni Sharon ang kaso laban sa nasabing lalaki na nasa abroad pala.

Pinag-aaralan na rin ng DOJ ang mga kasong maaring maisampa laban kay Alcos sakaling mapatunayan na totoo ang mga paratang sa kanya.

“Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ, we shall verify the respondent’s identity and address for the purpose of giving him notice,” ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra sa interview kahapon ng news reporters.

Nag-umpisa isyu nang kontrahin ni Frankie ang paalala ng pulis na hindi dapat nagsusuot ng mga maiiksing damit ang mga babae para hindi sila nababastos at saka magre-reklamo sa mga pulis.

 


Post a Comment

0 Comments