Larawan mula sa Pilipino Mirror |
Mahigit sa P7M
halaga ng shabu ang nahuli at nakumpiska sa isang Grade 6 na mag aaral na umano’y
tulak ng iligal na droga sa Zamboanga City na nasakote sa isang buy-bust
operation ng pulisya.
Ayon sa
ulat ng Abante, umabot sa 1.039 kilo ang pinagbabawal na gamot ang nakumpiska matapos
ang pinagsanib pwersa ng Zamboanga City Police at Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA) 9 sa 17-anyos na menor de-edad.
Sa ulat pa ng
pulisya, dakong alas-2:15 Sabado ng hapon nang masakote ang suspek matapos ang
isinagawang buy-bust operation laban sa suspek sa kahabaan ng Fernandez st.
Barangay Sta. Barbara ng nabatid na lungsod.
Matapos na
magka abutan ng pera ang pulis at
suspek, inaresto agad ng mga awtoridad ang binatilyo na nakuhaan ng P7, 070,640
na street value ng naturang gamot.
Ayon pa sa
ulat, naka kulong ang 17-anyos na suspek sa Police Station 10 ng Zamboanga PNP.
Siya ay
masasampahan din ng kaukulang kaso habang ang shabu na nakumpiska mula sa kanya
ay dinala umano sa PNP Crime Laboratory Region 9 upang masuri.
0 Comments