Keng to Maria Ressa: Your 'press freedom spin' is a lousy excuse to escape accountability

Wilfredo Keng at Maria Ressa | Larawan mula sa Rappler at ABS CBN



May banat ang businessman na si Wilfredo Keng sa Rappler CEO na si Maria Ressa dahil sa sinasabi nitong ang kanyang kaso sa cyberlibel ay isang pag-atake laban sa press freedom.

Ayon kay Keng, ang katwiran ni Ressa ay isang lousy excuse para matakasan ang kanyang pananagutan sa batas.

“That is only a convenient excuse she peddles to escape accountability. I am fighting for my rights and for accountability. No one should be above the law, ” ayon sa isang pahayag ni Keng.

“I am just a victim of irresponsible media and no one will protect an ordinary citizen like me if I do not act to seek justice,” saad pa nito

Ang pahayag na ito ni Keng ay lumabas matapos ianunsyo na maglalabas na ng desisyon ang Manila regional trial court bukas, Lunes ,patungkol sa kaso ni Ressa.

Nilinaw din ng negosyante na walang kinalaman ang palasyo sa cyberlibe case na sinampa niya laban sa CEO ng Rappler.

“Walang kinalaman ang ibang tao sa pag file ko ng kaso lalo na ang Presidente dahil hindi naman nya ako kilala,” giit ni Keng

Sinampahan ni Keng ng kaso si Ressa at ang isa pa nitong dating empleyado noong May 2019 dahil sa isang article sinasabing pinahiram niya sina dating punong mahistrado na si Renato Corona ng kanyang SUV, at siya ay sinasabing kasangkot sa human traffickng at smuggling ng dr0ga.

Kinontra ni Ressa ang resolusyon ng Department of Justice, aniya, wala pa umanong bisa ang batas noong nailathala ang nasabing article.

Iginiit naman ng Manila RTC na ang TRO ni Ressa ay para lamang suspindihin ang pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act No. 10175, ngunit hindi para isuspindi ang effectivity nito.



Post a Comment

0 Comments