Trillanes reacts to reopening of economy amid the pandemic: 'Sobra na talaga ang kapalpakan, katangahan ng administrasyong ito'

Larawan mula sa ABS CBN


May panibagong banat si dating senador Antonio Trillanes kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang administrasyon dahil sa umano’y mali na buksan muli ang ekonomiya sa kabila ng pandemya.

Sa isang Twitter post, sinabi ng dating senator at mutineer na “worst in history” ang pamamahala ni Pangulong Duterte.



“Sobra na talaga sa kapalpakan, katangahan at kasamaan itong administrasyong ito. You are the worst in history. This simply cannot go on,” aniya

Nauna nang sinimulan ng gobyerno na paluwagin ang lockdown sa buong bansa, kung saan ay pinapayagan na ang maraming negosyo na muling magbukas at para makabalik sa trabaho ang mga mangagawa.

Dahil sa kakulangan ng sapat na transportasyon, marami ang nahirapan sa unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila.

Samantala, ang pahayag na ito ni Trillanes sa Twitter ay umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens, ang iba ay pawang galit nag alit sa pamahalaan. Narito ang ilan:



“The question is what shall we do collectively? Getting noise isn't enough. His extra terrestrial power is multiplying day by day!”

“Naku baka ibash po kayo ng mga DDS. Best President in the Universe yata siya for them eh.”

“No perfect administration. Last admi. Lacks political will. Current admin lacks morals. Decide which is  worst.”

“Nothing new sir. From the start you been trying hard to destabilize this administration. Ang daming pakulo at drama, mga taong kinakuchaba mo para masira itong gobyernong ito. But all of them doesn't seems to work. Mukhang pikon at pagod ka na sir.”

“It’s already starting kahit wala pang Anti Terrorism Bill na napasa. People are more afraid to speak out now.”


Post a Comment

1 Comments

  1. sino ba kase nakadiscover kay trillanes? hayyyyy... kuya please lang po be sure kung may sasabihin kayo siguraduhin nyong may sense at may basis. sa dami na nagawa ng presidente yan lang ang kaya mong sabihin. nahihiya kami sayo kase pinoy ka. kung di mo xa feel- please lang po tutal GCQ na pwede na kayong bumalik sa planeta nyo. grabe na to di na nga mailarawan ung mukha ni tatay digong dahil sa nangangalu mata na xa at pati buhok at pagsasalita nya dagdag kalbaryo ka pa. Sana sa mga boboto please lamang po parang awa nyo na iboto nyo ung nararapat hindi ung mema lang. Now na naranasan ng lahat at nasaksihan ng lahat kung sino talaga ang tunay na pinuno at may concern sa bayan sana ala ng maniniwala sa mga malaway na salita at pangakong sinulat lang sa hangin.

    ReplyDelete