Larawan mula sa Twitter at Manila Times |
Hindi nagpatinag ang Bar topnotcher na si Mae Diane Azores at ayon sa kanya, dapat isulong ang pag veto ng Anti-Terror Bill
Sinabi ng abogado na mayroon na lamang ilang araw na natitira para palipasin ang pagpasa ng na naturang panukala para maging batas.
"We have 7 days left to storm the heavens with prayers that our legitimate concerns and fears about the Anti-Terror Bill will be considered by the Executive Department. " ani Azores
Hiniling din ni Azores sa mga tao na bulabugin ang kalangitan para hindi maging batas ang kontrobersyal na panukala.
Dagdag din ng abogado, mayroong mas lehitimong mga alalahanin at pangamba laban sa Anti-Terror bill.
Samantala, Biyernes, July 3, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisabatas ang panukala na naglalayong patalasin ang kampanya kontra terorismo ng bansa.
“We confirm that President Rodrigo Roa Duterte signed into law Republic Act 11479, or the Anti-Terrorism Act of 2020, today, 3 July 2020,” ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque
Sinabi ni Roque na ang Pangulo, kasama ang kanyang Legal Team, ay naglaan ng oras upang masusing pag aralan ang batas at timbangin ang mga alalahanin sa naturang panukala.
“Terrorism, as we often said, strikes anytime and anywhere. It is a crime against the people and humanity; thus, the fight against terrorism requires a comprehensive approach to contain terrorist threat,” ayon pa kay Roque
Ani Roque, ang pag lagda ng pangulo sa batas ay nagpapakita na seryoso ang pamahalaan na labanan ang terorismo, na matagal nang nagpapahirap sa bansa at nagdudulot ng kilabot sa mga mamamayan.
“Together, let us defeat terrorism and make our communities safe and secure under the rule of law,” dagdag pa ng opisyal ng palasyo
0 Comments