Drilon nagbabala sa BuCor, huwag itago ang impormasyon: Pwedeng mameke ng patay!

Larawan mula sa Abogado Ph

Binatikos ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang Bureau of Corrections (BuCor) na mali umanong gamitin ang Data Privacy Act para hindi maipakita ang mga tunay na kondisyon at maisa-publiko ang pagkamatay ng mga bilanggo sa National Bilibid Prisons (NBP).

“Ano bang tinatago ng BuCor? Moreover, transparency is an effective mechanism to guard against abuses such as fake or simulated deaths,” ayon kay Drilon

Babala ni Drilon, ang ginawa umano ng BuCor ay tila nagbibigay ng lisensya sa kung sino lang ang maaring madeklarang buhay o patay sa isa sa pinaka-masikip na kulungan.

“It is dangerous and it is prone to different kinds of abuse. I am afraid it can be used to make prisoners disappear, cover up extra-judicial killings, and even to fake death,” aniya

Ayon pa kay Drilon, ang katotohanan sa pagkamatay ng mga bilanggo ay hindi sensitibong impormasyon na saklaw ng Data Privacy Act at ang death certificate ay isang pam-publikong dokumento na kailangang i-file pagkamatay ng isang tao.

“In fact, upon any person’s death, there is a requirement to execute a death certificate which is a public document,” Ayon sa senador



“Disclosing information about a prisoner’s death is not a protected information under the Data Privacy Law. The fact that a person is dead is not contemplated by the law. Ang hinihingi lang po natin ay impormasyon kung sino ang mga patay. That is factual,” dagdag pa niya

Sa seksyon 3 (l) ng R. A. Hindi 10173 ay inisa-isa ang mga sensitibong personal na impormasyon na hindi dapat ibunyag, ito ay:

"lahi ng isang indibidwal, pinagmulan ng etniko, katayuan sa pag-aasawa, edad, kulay, at relihiyoso, pilosopiko o pampulitikang ugnayan", 

"kalusugan ng isang indibidwal, edukasyon, genetic o sekswal na buhay ng isang tao, o sa anumang pagpapatuloy para sa anumang pagkakasala na nagawa o sinasabing nagawa ng nasabing tao, ang pagtatapon ng nasabing paglilitis, o parusa ng sinumang korte sa nasabing paglilitis ”


"numero ng SSS, mga naunang o kasalukuyang mga rekord sa kalusugan, mga lisensya o pagtanggi nito, pagsuspinde o pagbawi, at pagbabalik ng buwis; at "Partikular na itinatag ng isang utos ng ehekutibo o isang kilos ng Kongreso na panatilihing naiuri".

“Jurisprudence even provides that “We are satisfied that society would insist that the prisoner’s expectation of privacy always yields to what must be considered a paramount interest in institutional security. We believe that it is accepted by our society that “[l]oss of freedom of choice and privacy are inherent incidents of confinement.” ayon kay Drilon

“Disclosing information about prison deaths will not do any harm,” aniya



“Transparency is an effective mechanism to guard against abuses such as fake or simulated deaths.” dagdag pa ni Drilon

“The BuCor has been subject of many controversies in the past – high profile inmates being spotted outside of prison or are able to leave unnoticed, special treatment being extended to high profile prisoners. Any doubts or danger of the inmates’ deaths being simulated can be addressed through full transparency,” Giit pa nito

“I am not saying that this is happening but if we are not transparent, then the people will keep entertaining doubts about the veracity of these alleged deaths involving high-profile inmates,” Paglilinaw naman ng senador



“They have valid reasons to doubt because of the situation today and the peculiar nature of handling the remains of the victims of COVID 19,” saad pa ni Drilon

Post a Comment

0 Comments