Larawan mula sa IMDb and Fashion Pulis |
Galit na galit
ang aktres na si Isabel Rivas sa kapwa artista na si Vivian Velez dahil sa
pagbubunyi umano nito matapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso
ang ABS CBN.
Tinawag ni
Rivas na "walang kuwenta" at
"ingrata" si Velez.
Matapos ang
botohan ng mga mambabatas sa Kongreso ukol sa prangkisa ng higanteng network ay
sunod sunod ang naging post ni Velez ng pasasalamat sa bumoto ng laban sa
pagbibigay ng prangkisa sa ABS CBN.
Tinawag
niyang magnificent 70 ang mga bumoto na hindi bigyan ng prangkisa ang Kapamilya
network.
Bukod dito,
pinuri rin ni Velez si Sagip Party-List at Deputy Speaker Rodante Marcoleta
bilang isa sa nanguna sa paggisa sa ABS CBN executives habang dinidinig ang
application nito.
Ayon kay
Velez, si Marcoleta na ang "bagong crush ng bayan".
Si Vivian,
na kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP), ay
isang masugid na tagasuporta at tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon naman
kay Rivas, walang kwentang tao si Velez dahil nagsasaya pa ito sa nangyari sa
ABS CBN, lalo pa at pareho ang industriyang kanilang ginagalawan.
“Walang
kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga...
"nanaba
na lang sana utak mo ng may natira ka pang industria na rerespeto sa'yo...
"Adding
insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang
kahihiyan...ingr*ta!!!" ayon sa galit na galit na si Rivas.
Sa kanyang
sumunod na post ay pinahiwatig ni Rivas na tila mayroon silang matagal nang alitan
ni Velez.
"45-
years kitang kilala, akala ko ako lang aapihin mo, hindi mo pala alam talaga
salitang kaibigan noh!!!" aniya
"True
character on display here Vivian Velez...empathy man lang sana natutunan
mo!!" dagdag pa nito
0 Comments