John Lloyd, Maria Ressa, at iba pa, sanib pwersa sa "Great Dictator" Protest Video Vs Terror Bill

Image from: Voyage Studios


Isa ang primyadong aktor na si John Lloyd Cruz sa mga personalidad sa larangan ng showbiz, media at politika sa mga nakaisa sa pagtutol sa kapapasa lang na Anti-Terror Law.

Ang naturang video ang pinamagatang "The Great Dictator Speech" kung saan hango ito sa pelikula moong 1940s ng Hollywood icon na si Charlie Chaplin na binigyan ng tagalog translation, patungkol sa mga diktador na sina Adolf Hitler ng Germany at Benito Mussolini ng Italy.



Pinangunahan ni Lloydie ang naturang video na idinerek ni Chuck Gutierez na isinalin sa tagalog ni multi awarded wirter na si Rody Vera. 

Kabilang sa mga sikat na personalidad ang kasama sa protest video ay sina National Artist Ben Cabrera, former Chief Justice Lourdes Sereno, direktor na si Lav Diaz, at ang kontrobersyal na mamahayag na si Maria Ressa at si Inday Varona. 

Boluntaryo ding nagsalita sina Prof. Randy David, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis Smith, Lotlot de Leon, Mae Paner, Nanding Josef and Bituin Escalante; Neri Colmenares; mga film directors na sina Baby Ruth Villarama at Carlitos Siguion Reyna; kilalang manunulat na si Bibeth Orteza; Chito Gascon, chairman of the Commission of Human Rights; bar topnotcher Mae Diane Azores; Atty. Ted Te; party list Rep. Carlos Zarate; businessman Charlie Yu; congressman Kit Belmonte; economist Winnie Monsod; at gender equality activist Queenmelo Esguerra; at si Sister Mary John Mananzan.

Kasama din ang mga senador at politikong sina Neri Colminares, Human rights lawyer at dating senatorial candidate na si Chel Diokno, Risa Hontiveros, Samira Gutoc at Francis Pangilinan.



Pambungad na binigkas ni John Lloyd ang maka bagbag damdaming mga katagang: "Ikinalulungkot ko pero ayaw kong maging diktador. Hindi iyan ang gusto ko. Ayokong mamuno o manakop ng kahit sinop." 

At sinundan pa ng mga nabanggit na personalidad, kung saan ay anim na minuti din ang haba ng protest video.

Ayon sa balita ng ABS-CBN, unang na-release ang protest video noong June 12, araw ng kalayaan, matapos maihain sa Malacanan ang anti-terror bill para maaprubahan.



Dagdag pa ni Gutierrez napapanahon ang naturang protest video collaboration matapos mapirmahan ng Pangulong Duterte ang anti terror bill, at sa kasalukuyang kalagayan ng pangsusupil sa kalayaang mamahayag.

Binigyang diin sa talumpati ng  the great dictator speech ay ang pagtatagumpay ng tunay na kalayaan laban sa mapang-api.

“Ang pagdurusang laganap ngayon ay dulot ng kasakiman, kapaitan ng ilang takot sa pag-unlad ng sangkatauhan. Ang kapuotan nila ay lilipas din at papanaw ang mga diktador. Ang kapangyarihang inagaw nila ay babalik sa mga tao. Sa kabila ng kamatayan ng marami, ang kalayaan ay di maglalaho.” base sa talumpati ng naturang video.

Sa panghuling bahagi ng video ay nanawagan ang mga ito ng: “Mga kababayan, sa ngalan ng demokrasya, magkaisa tayo,” at ipinakita ang hashtag na #junkterrorlaw.

Ang Anti-Terror bill law ay ang pinalawig na batas laban sa terorismo na ayon sa mga kritiko, ay maari umano itong humantong sa pag-abuso at pagsugpo ng freedom of speech sa bansa.


Post a Comment

0 Comments