Larawan mula sa Scoutmag.ph |
Napili umano
si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago bilang isa sa mga pinakatatag na
pulitiko sa buong mundo na kumakatawan sa sektor ng kabataan.
Ang
30-taong gulang na mambabatas ay kabilang sa limang batang pinuno na
makakatanggap ng One Young World Politician of the Year award sa One Young
World 2021 Summit sa Munich, Germany sa Abril 23-26 sa susunod na taon.
“Malugod na
ibinabahagi ng @KabataanPL ang pagkilala na ito sa lahat ng kabataan na
nagsusulong ng bagong pulitika ng pag-asa, pagkilos at pagbabago na
naglilingkod sa sambayanan nang buong husay at katapatan,” ayon sa mensahe ni
Elago sa kanyang Facebook post
Kasalukuyang
nasa pangalawang termino si Elago bilang kinatawan ng Kabataan Party-list, na
unang nahalal sa posisyon noong 2016.
Siya ay
nakapag akda din umano ng 426 na panukalang batas sa ika-18 Kongreso lamang.
“This award
recognises five of the world's most impactful politicians using their positions
to create change for young people in their communities and countries.” Ayon pa
sa post ni Elago
Si Elago ay
nag tapos ng kursong HRM sa UP Diliman at isang aktibong miyembro ng Makabayan
bloc, isang koalisyon ng labindalawang party-list na kilalalang kritiko ng mga
usaping Pambansa.
Ayon pa sa
isang ulat ng CNN, ang Kabataan party-list lawmaker ay ang pinakamahirap na
miyembro ng House of Representative, na may net na nagkakahalaga ng ₱ 85,400
batay sa kanyang 2018 Statement of Assets, Liabilities, at Net Worth.
Ang taunang
One Young World Politician of the Year award, ay inorganisa ng isang taga London
na grupo ng kabataan, na binibigay sa mga indibidwal nae dad mula 18 hanggang
35 taong gulang.
Sila umano
ang mga kabataang ginagamit ang kanilang posisyon sa lipunan upang magkaroon ng
positibong epekto sa mga kabataan sa kanilang mga komunidad at bansa.
0 Comments