Kim sa bagong order laban sa ABS-CBN: Gusto mo magsalita pero di mo magawa…May takot, trauma na



Larawan mula sa ABS CBN


Masamang masama ang loob ng aktres na si Kim Chu matapos iutos ng National Telecommunications Commission (NTC) na itigil ang operasyon ng ABS-CBN TV Plus at SKY Direct.

Ayon sa Bandera Inquirer, kahit posibleng ma-bash na naman siya, nag salita pa rin si Kim at inihayag ang kanyang saloobin tungkol sa pang yayari.



“Minsan mapapaisip ka nalang talaga. Gusto mo magsalita pero di mo magawa.” Ayon sa caption ni Kim sa kanyang Instagram post.

Matatandaan na matinding pang babash ang inabot ng Kapamilya star sa social media matapos niyang  kuwestiyunin at ipagtanggol niya ang pagsasara ng ABS-CBN noong Mayo.

“May takot, kaba, trauma. Nakakalungkot na pinagdadaanan ng lahat ng kapamilya ito.

“Ayaw ko man isipin pero parang personalan na… wala akong tinutukoy, eto lamang ay nasa isip ko lang…. grabe lang. Grabe,” ayon pa kay Kim



Na-bash si Kim dahil sa kanyang paliwanag na bawal lumabas ng classroom bilang halimbawa ng nangyayari sa ABS CBN.

"Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” ang pahayag ni Kim na nag viral

Nagkaroon pa ng iba’t ibang video at memes ang “Bawal Lumabas” ni Kim kaya naman ginawan niya ito ng kanta.

Inamin noon ni Kim na sobra siyang naapektuhan ng mga bashers kaya siya ay pansalamantalang umiwas muna sa social media.


Ngunit hindi nagpatalo ang aktres naglabas pa siya ng recording ng kanyang “Bawal Lumabas” para gawing kanta.



Post a Comment

0 Comments