Binasag ng
isang netizen ang aktor na si Enchong Dee sa naging pahayag nito na dapat
gamitin ng mga artista ang kanilang boses para sa mga taong nangangailangan at
walang-wala na sa buhay.
Kamakailan
lang ay matapang na nanawagan si Enchong sa kanyang mga kapwa artista na huwag manahimik
matapos na ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.
Ayon sa
netizen, huwag pilitin ng aktor ang ibang artista na magsalita sa harap ng
publiko para ipagtanggol ang Kapamilya network.
Ayon pa dito,
matapang lang daw ang aktor dahil wala naman siyang career na maaapektuhan.
“Don’t get
me wrong I admire your bravery, mismong ako i want ABS-CBN back.
“Pero i
think it’s wrong to pressure all the artists to be as vocal as you. And there’s
nothing really at risk for your career kasi di ka naman sikat,” ayon sa netizen
“Besides,
kahit pa lahat ng viva and star magic artists speak up against the government,
its not gonna change anything as long as their Lord Digong is incharge.
“I-focus
nyo sa gobyerno ang pagkalampay, instead of shading artists for being vocal as
you. Everyone shows support in different ways and its all valid,”dagdag pa nito
Sumagot
naman si Enchong sa netizen, aniya: “We have to start thinking beyond
ourselves, our voice is not for us but for the others who have nothing, those
who live paycheck to paycheck.
“I am not
shading, I am calling for their support. I can go on with my life without this
job but I couldn’t speak for the utility personnel, the wardrobe, the makeup
artists, the staff, the crew, which ALL artists get to work with everyday.
“I’m
calling for their support because I know that my colleagues have enough
influence to make things right. Again, this is beyond oneself,” sagot ng aktor
Isa si
Enchong sa mga artista na bumatikos sa mga mambabatas na nagdesisyong huwag
bigyan ng prangkisa ang higanteng network.
“I always
tell people that, ‘Artists should be the first line of democracy.’ People tend
to agree, but mostly do nothing about it or get reprimanded for saying
something political.
“Very few
listen and even fewer are brave enough to stand their ground because of their
‘reputation,’” ayon sa naunang mensahe ni Enchong sa Twitter
Naniniwala
din ang aktor na muling makakabangon ang ABS CBN kasama ang mga empleyado
nitong nawalan ng trabaho.
0 Comments