Nikki Valdez nagsisisi daw na ibinoto si Duterte: Ano na naman kaya ang sasabihin mo sa SONA, ‘Joke lang?’



Larawan mula sa Inquirer Bandera

Inamin ng aktres na si Nikki Valdez na isa siya sa bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na eleksyon para sa pagka pangulo dahil naniwala umano siyang magiging boses ang dating mayor ng mga pangkaraniwan tao.

Ngunit bago ang ikalimang State of the Nation Address ng Pangulo, kinuwestiyon ni Nikki ang pamamahala ni Duterte na sinasabing hindi nito binibigyang pansin ang tunay na problema ng bansa.



“Mula nang ako’y naging registered voter, sinigurado kong gamitin ang boto ko para magluklok ng mga pulitikong tingin ko ay makakabuti at gagawa ng mabuti para sa ating bansa. At noong 2016, oo binoto kita Pres. Duterte pati ang pamilya ko,” ayon sa isang Instagram post ng akres nitong Linggo

“Sa paniniwalang magkakaboses ang maliliit na tao na sinasabi mo noon na dadamayan mo. Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit Presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao. Nakita namin ang political will mo,” dugtong pa ni Nikki

Ayon sa aktres, apat na taon na ang pangulo sa kanyang termino at marami na umano ang mga nangyari na nagpabago ng isip nya at naging dahilan ng kanyang mga tanong tungkol sa pamamahala nito sa bansa.



“Ultimo ang Santo Papa, minura mo, pinagsalitaan ng kung ano ano, nawala ang respeto mo sa mga kababaihan kahit may mga anak kang babae, inuna mo ang personal na galit at paghihiganti kaya ganon na lamang ang kawalang bahala mo sa mga totoong pangangailangan at problema ng ating bayan…” aniya pa

Binatikos din niya ang pangulo dahil sa late na pagsuspinde ng mga flight mula sa China sa simula ng COVID-19 pandemic at sinabi: "Bakit nasa China na ata ang katapatan mo?"

“Bakit inuna mo ang Anti Terror Bill? Bakit mas inuna mo ang pagpapasara sa ABS-CBN at pagkitil sa kabuhayan ng libo libong empleyado pero nanatili dito ang mga POGO [Philippine offshore gaming operator]? Ito ba talaga ang mga plano mo para sa Pilipinas?” saad ng aktres

“Ano nanaman kaya ang sasabihin mo bukas? ‘Joke lang?’” dagdag nito

Isa si Nikki sa mga nakilahok sa protesta para suportahan ang ABS CBN matapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang nasabing network.



Post a Comment

0 Comments