Rocksteddy vocalist to Duterte: Death penalty ang sinusulong…may pandemic oh, ser!

Larawan mula sa Bandera at Push



Nakisali sa pagbanat sa pamahalaan ang singer at It's Showtime host na si Teddy Corpuz matapos ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Sunod-sunod ang naging post na patama ng Rocksteddy vocalist sa  gobyerno para batikusin si Pangulong Duterte.


Base sa kanyang mga post, hindi nagustuhan ng host ang naging laman ng SONA ni Duterte nitong Lunes lalo na ang ulat nito patungkol sa kontrobersyal na Anti-Terrorism law, death penalty, West Philippines Sea at usaping prangkisa ng ABS CBN.

“Para saan ba yung SONA? Eh gabi gabi may SONA na off-topic palagi. #WhatFor. ah okay magbabarong at pageant lang pala. Ingats kayo dyan sa Sandigang Bayan, uso covid sabi ng mayor namin,” ayon kay Teddy

At nang bumuhos ang ulan noong araw na iyon, pang asar ng singer “Luh lakas nang kulog at ayan nagsisimula nang umulan. Pati kalangitan hindi naniniwala sa mga pinag sasasabi sa #SONA2020,”*


Katulad ng ilang kritiko ng pangulo, tinuya rin ni Teddy ang pag unang maisulong ang death penalty kaysa sa COVID-19 pandemic sa bansa.

“Death penalty for drug related crimes. Eh pano kung Hulihin ka because of anti-terror bill tapos taniman ka nang droga sa bulsa or bahay mo? Edi deads ka na. Jusko alam na namin saan to pupunta susme!

“Death penalty ang sinusulong. May pandemic oh ser! MAY PANDEMIC! Sagip buhay muna para sa pandemya atupagin bago yan. SAGIP BUHAY muna daming apektado puro pag patay lang nasa isip. Nung klase yan!” ayon sa bokalista

Di rin naniniwala si Teddy na "neutral" ang pangulo sa stand nito pagdating sa ABS CBN franchise renewal.

“Ayun deny pa nang deny mga spokes personnel mo and your camp na ‘neutral’ ka sa isyu nang ABSCBN yun pala manggagaling din sa bibig mo. Your SONA just confirmed your true dark intentions. Thanks TheTurtle.” aniya pa

Post a Comment

0 Comments